Alden Richards downplays competition between AlDub and other loveteams

Alden Richards on his zooming showbiz career: “Tumambling po yung career ko! Sobra, sobra po. Nag-shift po talaga from… Kasi ang nangyari po kasi sa akin, feeling ko, stabilized lang siya, steady lang siya, andiyan lang si Alden. Kumbaga, hindi siya nawawala. Pero pagpasok po nung Eat Bulaga!, pagpasok ng AlDub, talagang boom! Zoom, zumoom po talaga.”


Walang dudang sa maiksing panahon ay pumainlanlang ang kasikatan ni Alden Richards dahil sa phenomenal success ng AlDub loveteam nila ni Maine Mendoza o Yaya Dub.

“Tumambling po yung career ko!” natatawang bulalas ni Alden bilang pagsang-ayon.

“Sobra, sobra po. Nag-shift po talaga from…

“Kasi ang nangyari po kasi sa akin, feeling ko, stabilized lang siya, steady lang siya, andiyan lang si Alden.

“Kumbaga, hindi siya nawawala.

“Pero pagpasok po nung Eat Bulaga!, pagpasok ng AlDub, talagang boom! Zoom, zumoom po talaga.”

ALDUB VS OTHER LOVETEAMS. Dahil sa tagumpay ng AlDub, may mga nagsasabing napantayan o natalbugan na nila ang pinakasikat na loveteams sa ABS-CBN—ang KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at JaDine nina James Reid at Nadine Lustre.

“Uy, hindi naman po!” sambit ni Alden.

Nitong mga nakaraang araw nga ay mas madalas maging top trending topic sa social media at pag-usapan ang AlDub kumpara sa ibang loveteams.

Pahayag ni Alden tungkol dito, “Parang for me naman po, para sa akin, may supporters po ang KathNiel, tapos may supporters din naman po ang Aldub.

“So, for us naman po, never naman po kaming nakikipag-compete with anyone, with any loveteam po.

“So, we’re just happy na maraming supporters.

"And siguro ginagawa lang po namin yung trabaho namin po para makapagbigay ng entertainment po sa mga tao."

ALDUB PA MORE. Samantala, dahil nga sa AlDub ay kinatatakutan nang makapareha ng ibang artistang babae si Alden dahil tiyak na aawayin sila ng mga loyal and solid supporters ng AlDub.

Pahayag ni Alden, “Of course, iyon nga po, as of this moment, mainit po yung AlDub loveteam.

“So, parang we as artists… kumbaga, nakikinig lang po sa advice ng mga boss namin.

“We’ll wait for a certain instruction naman po para i-take place yung mga bagay-bagay.

“Kasi pag siyempre gumawa nga po tayo ng isang desisyon na magkakaroon ng long-term effect sa career, mahirap pong bumalik, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, as of this moment po, ini-enjoy lang po muna namin yung AlDub loveteam.

“And with regards naman po siguro dun sa makakapareha or takot yung ibang girls na i-partner sa akin, siguro… bakit naman?

“Kasi trabaho po naman, e. Trabaho lang naman po ito.

“So, kung if ever man pong mangyari yun, okay lang naman po.

“Pero as of this moment po, okay pa naman si AlDub, kaya AlDub pa more!”

RATINGS. Dahil sa Kalyeserye ng AlDub ay lumaki ang lamang sa ratings ng Eat Bulaga! sa mga katapat nitong programa.

Sabi ni Alden, “Well, kami po sa Eat Bulaga! kasi, yung mga ginagawa po namin is kung ano lang po yung dumating.

“Very spontaneous, hindi planado, and nag-e-enjoy lang po kami every moment na ginagawa namin yung mga segments.

“Kaya iyon lang po, parang kami po, enjoy.

“And ako po, personally, on my opinion, as one of the hosts po ng Eat Bulaga!, wala po akong competition with anyone—inside Eat Bulaga!, even outside Eat Bulaga!

“Hard work lang po talaga.”

Bukod sa Eat Bulaga! ay mainstay rin si Alden sa Sunday PinaSaya sa GMA.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN