Alden Richards proves that patience is indeed a virtue: "Kasi pag minadali natin yung mga bagay-bagay, minsan nami-mislead po tayo, e."

Alden Richards on being patient when it comes to his career: "Kasi pag minadali naman po talaga natin yung mga bagay-bagay, minsan nami-mislead po tayo, e. So, siguro talagang maganda pong gawin is yung faith kay Lord, huwag alisin yun. Kailangan always na iyon yung priority. At saka po yung tamang timing sa mga bagay, huwag po nating pangunahan ang mga sitwasyon na hindi natin kayang kontrolin."


Kahit may mga pagkakataong hindi sunud-sunod ang projects ni Alden Richards sa GMA Network ay nanatili siyang loyal sa kanyang mother studio.

Pahayag ni Alden, “Ako naman po kasi, kung hindi… napag-aralan ko po kung paano maging patient sa mga bagay.

“On a personal note lang naman po iyon.

"Kasi pag minadali naman po talaga natin yung mga bagay-bagay, minsan nami-mislead po tayo, e.

“So, siguro talagang maganda pong gawin is yung faith kay Lord, huwag alisin yun. Kailangan always na iyon yung priority.

“At saka po yung tamang timing sa mga bagay, huwag po nating pangunahan ang mga sitwasyon na hindi natin kayang kontrolin.”

Tumaas na ba ang talent fee niya?

“Opo!” ang tumatawa pero buong katapatang sagot ni Alden.

HIS MOTHER'S DREAM. At ang tagumpay na tinatamasa ni Alden ngayon sa showbiz ay pangarap daw ng ina niya para sa kanya.

Ngunit ang nakakalungkot lang ay namayapa na ang ina ni Alden bago pa siya sumikat nang husto.

“Kasi po since nag-start naman po ako, wala naman po akong ibang inisip kundi mapabuti ang lagay ng pamilya ko and makatulong po ako sa kanila in all possible ways—morally, financially…

“Tsaka yung dream ng mom ko nga po na maging artista, ganyan, hindi po nawala sa akin yun.

“And every day, every day po, every after ng trabaho, kinakausap ko siya, ‘Ma, I hope you’re happy.’

“Sayang, hindi man lang po niya naabutan talaga,” saad ni Alden.

Wala raw palya kung kausapin ni Alden ang kanyang ina.

“Yes po, kasi kumbaga, parang si Mom ko po ang pinaka-angel, pinaka-bridge ko kay Lord, kasi nandun na siya, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN