Enchong Dee makes a case for PBB 737 Teen Big Four: "Pag nalaman mo ang kuwento ng bawat tao, maiiwasan mong maghusga."

Enchong Dee says he's too young to marry, but hopes girlfriend Samantha Lewis is still around when the time comes. He says, "Sa trabaho namin, parang ang hirap makakita ng taong iintindi sa iyo... Sana siya na nga."


Pagkatapos ng halos tatlong linggo na pagiging houseguest sa loob ng Bahay ni Kuya, masayang-masaya si Enchong Dee na natapos niya nang matagumpay ang tasks na ibinigay sa kanya sa Pinoy Big Brother 737.

Lumabas si Enchong ng PBB house noong August 12, at ngayon ay balik siya sa reality-based program bilang isa sa mga hosts nito.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Enchong sa ASAP XX noong Linggo, August 16, marami siyang ibinahagi tungkol sa natutunan niya sa Bahay ni Kuya.

“Masaya ako, kitang-kita naman siguro sa reaksiyon ko nung sinabi sa akin ni Kuya.

“Ginulat niya kasi ako.

"Sabi ko, lumagpas na yung weekend, siguro Friday, Saturday, Sunday na ako lalabas.

“Nung sinabi niya ng Monday night na lalabas na ako, talagang ginawa ko na ang lahat na puwede kong gawin.

“Alam ko naman from beginning, first day ng PBB, pinasok nila ako from ASAP.

“Pero iba talaga pag nandun ka na, di ka prepared.

"Kasi akala ko, after commercial break, makakapag-text pa ako. Makakapagpaalam pa ako nang maayos.

"Hindi na, pagpasok ko talaga, dire-diretso na."

Patuloy ni Enchong, “Ayun, napakahirap ng pinakaunang task na ibinigay sa akin ni Kuya bilang homeboy, robot ako dito.

“Minsan may ganun sa buhay na kung ano ang pinaka ayaw ko, may mga bagay ang gaganda ng resulta na lumabas.

“Kasi after ng task na ibinigay sa akin ni Kuya, parang lumabas sa reaksiyon ng mga tao na mas nakilala nila ako.

“Masarap na malaman ang kuwento ng bawat tao.

"Pag nalaman mo ang kuwento ng bawat tao, maiiwasan mong maghusga.

“Masarap yung pakiramdam na nandun ako sa loob, at the same time gustung-gusto kong lumabas.

“Kasi kapag nababagot ako, gusto kong magtrabaho.

"Sanayan, e. Hindi ako sanay na wala akong ginagawa.

"Kaya as much as I wanted to stay there for the housemates, gusto ko na talagang magtrabaho."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


BIG FOUR BACKER. Ipinagtanggol din ni Enchong Dee ang itinanghal na Big Four sa teen Edition ng Pinoy Big Brother 737.

Ito ay sina Bailey, Jimboy, Franco, at Ylona.

Bago pa man sila maging Big Four, tumanggap na ang apat ng kabi-kabilang pambabatikos mula sa mga manonood ng PBB.

Para kay Enchong, maraming magagandang katangian siyang nakita sa napiling Big Four.

“Jimboy is a very, very simple guy na mayroong pangarap para sa pamilya niya. Sobra siyang responsible brother.

“Si Franco, ako, big winner siya para sa akin, sobrang sipag niya.

“Puwede niyang linisin ang bawat sulok ng Bahay ni Kuya, gagawin niya.

"Pero he knows how to enjoy his age, his teenage life.

“Si Ylona, sobrang talented, grabe!

"At ang pangarap lang niya ay mabigyan ang pamilya niya ng bahay na may stairs.

“Para mas may marami siyang pamilya na maisasama sa bahay, gagawin niya lahat para matupad yun.

“Si Bailey, napakalambing na bata.

"Tinuruan siya ng magulang niya na huwag maging matipid pag nagsasabi ng 'I love you.'

“Pag nagpapakita ng pagmamahal, sobra siyang expressive.

"And naa-appreciate ko sina Bailey, si Ylona… kahit sa ibang bansa sila lumaki, Pinoy na Pinoy."


REAL BROTHER. Sa loob din ng Bahay ni Kuya ay naging emosyunal si Enchong nang makausap ang kanyang Kuya AJ Dee.

Nakumpirma na kasi ang pag-alis nito ng Pilipinas upang manirahan sa Oslo, Norway, kasama ang buo nitong pamilya.

Pahayag ni Enchong, “Ganun talaga, e.

"Sa kahit na saang pamilya naman, kung sino ang nakakatanda, siya ang tumatayong magulang.

“Ganun lang, ako na mag-aalaga kina Mama at Papa.

“Tulungan kami kahit nung bata kami, so wala sa aming isyu na kunwari iiwan niya kami.

“Saka nakita ko kung gaano niya kamahal ang pamilya niya."

Mami-miss daw niya nang husto ang kapatid.

"Mami-miss, pero puwede-puwede siyang balikan.

“Hindi naman siya parang Pinoy Big Brother na ‘di mo na puwedeng pasukin uli, ‘di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN