Goodbye AlDub, hello MaiDen?

Totohanan na nga kaya ang nararamdaman nina Alden Richards at Maine Mendoza o Yaya Dub para sa isa't isa? Marami kasi ang nakakapansin na totoo na ang kilig at ngiti tuwing nagpapalitan sila ng fan signs.


Mukhang malapit na ang katapusan ng AlDub loveteam dahil may bagong tambalan na umuusbong ngayon sa Eat Bulaga!

Sa inaabangang "Kalyeserye" ng Eat Bulaga! ngayong hapon, August 19, marami ang kinilig sa palitan ng fan signs nina Alden Richards at Yaya Dub.

Ilan sa mga ito ang mga sumusunod:

Alden: "Kumain ka na ba?"

Yaya Dub: "Oo. Ikaw?"

Alden: "Miss mo ba ako?"

Yaya Dub: "Oo, palagi."

Yaya Dub: "Ikaw? Miss mo 'ko?"

Alden: "Miss na miss!"

Yaya Dub: "Kilig ako. Hihi!"

Alden: "Ingat lagi."

Yaya Dub: "Para sa 'yo mag-iingat ako lalo."

Alden: "Anong favorite food mo?"

Yaya Dub: "Isaw ng manok."

Alden: "Dala ako bukas?"

Yaya Dub: "Sige."

Yaya Dub: "Date tayo soon."

Alden: "Bakit soon? Pwede ba ngayon na!"

Ngunit ang mas lalong nagpakilig sa AlDub followers ay ang fan sign na ito ni Alden: "Alden ♥ Maine."

Maine Mendoza ang tunay na pangalan ni Yaya Dub.

Nahalata rin ng Eat Bulaga! viewers ang kakaibang ngiti at kilig ni Maine nang mabasa ang fan sign na ito para sa kanya ni Alden.

Dahil dito, maraming netizens ang nagtatanong kung totoo na ba ang nararamdaman ni Alden sa kanyang kapareha, kahit hanggang ngayon ay hindi pa sila nagkakatagpo sa personal.

Sa tunay na pangalan na kasi tinawag ng Kapuso heartthrob ang tinaguriang Dubsmash Queen.

May mga netizens din ang nagbansag na sa bagong tambalan nina Maine at Alden—MaiDen.

Ang MaiDen na ba ang magpapataob sa AlDub?

Gaya ng mga nakaraang araw, naging top trending topic nationwide at No. 3 worldwide ang hashtag na #ALDUBnotALDUH.

Sa Twitter account naman ni Maine (@mainedcm) ay sinagot niya ang isang follower na nag-comment tungkol sa kanyang sinabi na isaw na manok ang paborito niyang pagkain.

Sabihin ko sana Wagyu beef hanger steak with grilled foie gras and crispy shallots eh.. Charing! https://t.co/KdRBNSMfBI

— Maine Mendoza (@mainedcm) August 19, 2015


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN