John Lapus not bothered by growing competition in gay roles: “Siyempre lalaban naman tayo nang sabayan."

John 'Sweet' Lapus happily concedes that his friend Vice Ganda now reigns as the most popular gay personality in showbiz. He says, "Oo naman, kanya-kanyang panahon. It's Vice's time. Ang importante, 'andito pa rin ako, meron akong trabaho."


Nagpapasalamat si John "Sweet" Lapus sa ABS-CBN at Dreamscape sa patuloy na pagbibigay sa kanya ng mga proyekto sa kabila ng pagiging abala niya sa ibang istasyon nitong nakalipas na taon.

Ang latest project niya sa Kapamilya network ay ang afternoon series na Doble Kara, kung saan gumaganap siya bilang si Ninang Itoy sa bidang si Julia Montes.

Kung si Julia ang "Royal Prinsesa ng Drama", si John naman daw ang "Pambansang Ninang ng Bayan."

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si John sa presscon ng Doble Kara ay ito ang naging bungad niya: "Heto, may bago na naman tayong labada, thats why I'm thankful."

Patuloy niya, “Almost three years ago nang bumalik ako rito sa Kapamilya network… ang Dreamscape actually ang nagpabalik sa akin dito.

"Simula noong Kahit Konting Pagtingin ni Angeline Quinto, sumunod yung Mirabella ni Julia Barretto, heto namang Doble Kara ni Julia Montes.

"At least once a year, meron tayong soap."

Ang kaibahan nga raw sa previous roles na ginampanan ni John ay kung paano niya binago ang kanyang characterization bilang si Ninang Itoy.

Aniya, "Kilala niyo naman ako, nag-e-exert talaga ako na mag-iba ng looks and character ko.

“Minsan kapag nanonood ako ng soap, naiinis ako kapag nakita ko yung bata.

"Yung hitsura niya ay ganun din sa ibang soap, naiba lang yung pangalan.

"So dito, nag-e-effort din talaga ako, nag-iba naman ako ng hitsura at boses, ng costume.

"Kasi ang dami-dami na ngang gay characters sa soap operas ngayon, siyempre lalaban naman tayo nang sabayan pa, ganun."


SECURE. Isa raw sa mga reyalidad sa showbiz na tanggap na ni John ay ang pagdami ng gay characters sa TV shows—drama man o sitcom.

Kaya wala raw siyang insecurities sa mga karibal niya sa aspetong ito.

Paliwanag ni John, "Siguro nag-uugat 'yan sa pinanggalingan ko, which is theater.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa theater, mag-i-effort ka talaga ng look mo, ng acting mo, at na-apply ko 'yan since naging artista ako sa telebisyon.

"Tribute ko na rin ito sa transgender dahil for the first time, ginawa ko na ang role ko ay isang transgender.

“Nagdadamit-babae siya, buhok at make-up niya, pambabae.

"Sa movie, naging transsexual na ako bilang si Beki Pamintuan. Pero sa soap, first time ko na transgender ako.

“Uso kasi ngayon ang transgender, lahat 'ata ay merong kaibigan, kamag-anak na bakla, for that matter.

"At yung mga baklang 'yan ay ang nagbibigay ng buhay, kulay, at saya sa buhay nila.

“So, might as well, sa mga teleserye, ilagay din kami dun.

“Kanya-kanyang diskarte na lang yun.

“Ako naman, kahit naman yung character ko ay inilalagay para magpa-comedy sa isang madramang palabas, sinisiguro ko naman na yung character ko ay may puso at may matututunan naman ang televiewers.

"At makakadagdag ng respeto sa LGBT [Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender] community."


LETTING GO. Minsan na ring nasabi ni John na wala na siyang ambisyong maging isang 'gay superstar' katulad ng kaibigan niyang si Vice Ganda.

Ayon sa 42-year-old comedian-TV host, "Oo, minsan naiisip ko pa rin.

“Lalo kapag nakikita ko ang big stars na merong magagarang kotse, magandang bahay, and they get to travel at magbakasyon.

"But hindi ko na-achieve yun, alangan naman na... I'm not the type of person who will cry over spilled milk."

Tanggap din daw ni John ang katotohanang si Vice ang numero unong gay showbiz personality sa Pilipinas ngayon.

"Ay, oo naman!

"Everybody knows that si Vice ang pinakasikat na gay sa buong bansa sa ngayon.

"I had my share, there was a time about four or five years ago na ako ang pinakasikat na bakla sa buong Pilipinas, modesty aside.

"Tapos na yun, kanya-kanyang panahon.

"It's Vice's time, it's his reign.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang importante, 'andito pa rin ako, meron akong trabaho, my followers still get the chance to watch me.

“Hindi ko na-achieve, e, di maging maligaya ka na lang kung ano ang meron ka.

"And by doing so, dun ko rin na-realize yung advantages na hindi ako big star.

"Like, enjoy my private life na hindi nai-enjoy ng big stars.

"Nakakasimba ako nang matiwasay kasama ang pamilya't kaibigan ko, nakakapunta ako sa lugar na gusto kong puntahan.

“At nakakapag-grocery ako na mag-isa na hindi ako dinudumog.

"Nakakapag-mall ako na mag-isa, at kung anu-ano pa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN