Luis Manzano says no to prenup with Angel Locsin if they decide to get married

Luis Manzano willing to sacrifice his showbiz career for politics: "Kailangang ma-sacrifice naman talaga. Kumbaga, yung current schedule ko, mahirap na. First term ako na politiko ako, sabay mas busy ako sa ABS kumpara sa Batangas. Napakalugi naman ng botante. Napaka-gago ko naman noon."


Hindi raw hihingi ng prenuptial agreement si Luis Manzano kung sakaling ikasal na sila ng girlfriend niyang si Angel Locsin.

Paliwanag ng Kapamilya TV host-actor, “May tiwala naman ako kay Angel.

"Second, definitely, mas maraming pera sa akin si Angel.

“Kung anuman ang meron ako, katiting lang sa meron siya.

“So, ang kapal ko namang humingi ng prenup!”

Wala silang joint account ni Angel?

“Wala. Wala pa,” sagot ni Luis sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Noong unang tumakbo si Senator Ralph Recto bilang congressman sa Batangas, talagang full support sa pagkampanya ang mommy ni Luis na si Batangas Governor Vilma Santos.

Inaasahan din ba niya na ganoon si Angel?

Sabi ni Luis, “Sinabi sa akin ni Angel ‘yan.

"Hindi ko lang inaasahan, siya pa ang nagsabi sa akin na, ‘Kulet [tawag ni Angel kay Luis], kung sakaling itutuloy mo ang pagtakbo mo, I’ll be behind you all the way.’”

Itinuturing ba ni Luis na patunay ito ng sobrang pagmamahal ni Angel sa kanya?

Ayon kay Luis, “Ayoko namang sabihing patunay.

"There’s so many more instances na puwede niyang ipakita ang pagmamahal niya.

“Kumbaga, that may be one, pero hindi lang iyon ang pinakapatunay.”

VERY HAPPY WITH ANGEL. Dumating na ba sila sa point ni Angel na wala na silang anumang fears sa kanilang relasyon, na baka magkaroon na naman ng problema o maghiwalay ulit sila?

Sagot ni Luis, “Oo, we’re very content, di ba?

“We’re very happy. Kumbaga, okay lang, easy-easy kami.

“Hindi yung naging kayo, maraming question marks. Eto yung okay!

“Minsan nga sa isang araw, konting beses lang kaming mag-usap. Kasi may ginagawa ako, may ginagawa siya.

“Pero still we’re very content. Hindi yung, 'Ano kayang ginagawa niya?'

“Wala na kaming ganoon, e.”

Malaki ba ang naitulong ng breakup nila noon dahil marami silang naging realizations?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes, sobra,” sambit ni Luis.

Si Angel na ba talaga ang 'the one' para kay Luis?

“Oo naman,” sagot niya.

Sakaling matuloy ang pagpasok ni Luis sa politika, kakailanganin niyang mag-lie low sa showbiz kung hindi man tuluyan na niyang i-give up ang kanyang career.

“That’s gonna be… oo. Kailangang ma-sacrifice naman talaga.

“Kumbaga, yung current schedule ko, mahirap na.

"First term ako na politiko ako, sabay mas busy ako sa ABS kumpara sa Batangas.

“Napakalugi naman ng botante. Napaka-gago ko naman noon.”

ON ROBI DOMINGO. Samantala, wish daw ng kanyang The Voice Kids co-host na si Robi Domingo na sa kanya maipasa ang anumang babakantehin ni Luis kung pumasok ito sa pulitika.

Ano ang komento ni Luis dito?

“Oo naman!

"Sabi ko nga, ang nangyari lang sa amin ni Robi, mas nauna lang akong ipinanganak, e. Kaya nakarami ako sa mga ginagawa ko.

“Pero kung sabay kaming ipinanganak, yari ako sa batang 'yan!” tawa niya.

Very proud si Robi sa pagsasabing idol niya si Luis, na naging parang mentor niya kung paano magsalita bilang host.

Sabi naman ni Luis, “Kung ano yung itinuro ko sa kanya… marami rin akong natutunan sa kanya.”

Naiisip din ba ni Luis na sakaling mag-leave siya sa showbiz kapalit ng pagiging public servant, baka wala na siyang balikan?

“A, hindi naman sa walang balikan kundi mami-miss ko siya. Mami-miss ko yung ginagawa ko na masaya.

"But, for a while, kailangan ko rin namang magpahinga talaga.

“Hindi ko naman sinasabing mawawala ako.

"Pero kumbaga, yung current work load ko, lahat-lahat, magbabago naman talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN