Did Alden Richards and Maine Mendoza already meet in person five years ago?

Kumakalat ngayon sa social media ang diumano’y larawang magkasama sina Alden Richards at Maine Mendoza, a.k.a. Yaya Dub, sa isang event ng Candy magazine noong 2010.


Usap-usapan ngayon sa social media ang larawan na diumano'y magkasama sina Alden Richards at Maine Mendoza, a.k.a. Yaya Dub.

Kuha raw ang nasabing larawan limang taon na ang nakararaan sa isang event ng Candy magazine.

Sumikat ang loveteam nina Alden at Yaya Dub, o mas kilala bilang #AlDub, sa kalyeserye ng noontime show sa GMA-7, ang Eat Bulaga.

Ang pangunahing bentahe ng kanilang loveteam ay ang hindi pa nila pagkikita nang personal, at tanging sa screen lamang sila nagkikita at nagpapalitan ng mensahe.

Maging si Alden, sinabing hindi pa sila nagkikita ni Yaya Dub sa ilang panayam niya sa telebisyon; gaya noong August 16 episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Ani Alden kay Jessica: “The good thing about po this tandem, Miss Jessica, personally po hindi pa kami nagmi-meet [ni Yaya Dub].”

Paniniyak pa ni Alden sa agam-agam ni Jessica, “Promise po, hundred percent, never ko pa siyang nakikita.

"We don’t text, we don’t call each other, we don’t mention each other on social media.

"So that maintains the mystery, the magic, that’s what they call it.

"So, siguro po ako, personally, as Alden, nae-excite din po ako na makita siya [nang personal]."

OLD PHOTOGRAPHS. Ngunit pumukaw ng atensiyon ang mga larawan diumano nina Alden at Maine na ibinahagi ng isang netizen sa social media.

Ang una ay larawan ni Alden, kadikit ang isang blurred photo ng dalawang tao na sinasabing sina Alden at Maine.

Sinasabing kuha ang mga nasabing larawan sa Candy Fair noong 2010.

@mainedcm pic.twitter.com/bwhP142E48

— Saori Brojan (@SaoriBrojan) August 19, 2015


Kaugnay nito, naglabas ng statement ang Candy magazine sa website nila noong Martes, August 18.

Dito ay hindi nila kinumpirma kung si Maine nga ang babaeng kasama ni Alden sa nasabing malabong photo.

“But this we can totally vouch for: Alden was indeed at the Candy Fair in 2010 and he was actually known as Richard Faulkerson back then. Or RJ as he mentions in this video,” pahayag ng Candy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang si Richard o Alden sa mga Candy Cuties noong taong iyon. Hindi pa siya artista noon.

Bago siya naging Alden Richards, unang ginamit ng Kapuso actor ang kanyang tunay na pangalan, Richard Faulkerson Jr., nang napabilang siya sa Top 60 ng StarStruck V noong 2010.

Hindi nakasama si Alden sa finalists ng StarStruck ngunit nabigyan pa rin siya ng break noong 2011 sa pamamagitan ng afternoon series na Alakdana.

Dito na rin niya sinimulang gamitin ang screen name na Alden Richards.

Read article: What You Need To Know About That #AlDub Photo Making The Rounds On The Web

Samantala, kung pagbabasehan naman ang tweet ni Maine noong 2010, sinabi niyang excited siyang dumalo sa fair.

May tweet din siya na tumutukoy sa malalabong photos.

RT @iamflorry TGIF tomorrow! Oh yeahh! Candy fair on SATTTTTTTTTTTTTT! >:D<

— Maine Mendoza (@mainedcm) September 30, 2010


Ang papanget ng pictures.. Ang lalabo.

— Maine Mendoza (@mainedcm) October 2, 2010



DESTINY? Posibleng nagkita na nga sina Alden at Maine noon, pero hindi marahil ito alam o matandaan ng aktor.

Bilang isa sa mga Candy Cuties sa event, maaaring magpa-picture sa kanila ang Candy readers na um-attend; kabilang na nga rito si Maine na isang oridnaryong estudyante lamang noon.

Sinasabi ring 14 years old lamang noon si Maine, habang si Alden ay 17 naman.

Hindi rin naman lingid sa marami na sa totoong buhay ay crush talaga ni Maine si Alden, kaya ganoon na lamang ang pagkakilig ng dalaga nang unang masilayan ang aktor sa screen habang nasa Eat Bulaga! sila.

At dahil sa pagkakilig na iyon ay nagsimula ang #AlDub phenomenon.

Para naman sa mga masugid na tagasuporta ng #AlDub, positibo ang reaksiyon nila kung totoo ngang nagkita na sina Alden at Yaya Dub limang taon na ang nakararaan.

Sinabi nilang naniniwala sila sa “forever” at “destiny” dahil pagkatapos ng limang taon, nagkita muli ang dalawa at nakabuo ng isang matagumpay na loveteam sa telebisyon.

Nakipag-ugnayan din ang PEP sa GMA Artist Center, na namamahala sa career ni Alden, upang kunan ng kanilang panig tungkol sa isyung ito. Ngunit hindi pa kami nakakakuha ng sagot habang isinusulat ang balitang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN