Mayor Herbert Bautista prays for Senator Grace Poe to accept offer to be Mar Roxas's running mate

Herbert Bautista on political plans: "Hopefully by October, malalaman ko kung re-election or higher position [ang mimithiin ko].”


Hindi pa masagot ni Quezon City Mayor Herbert Bautista kung anong posisyon ang tatakbuhin niya sa 2016 elections—kung bilang mayor pa rin ng Quezon City dahil may isang termino pa siya, o mas mataas nang posisyon.

Kaya ang birong tanong sa kanya, sa tamang panahon?

“Oo naman, dapat sa tamang panahon. Parang sa experience ko, 12 years akong vice mayor, dapat ganun,” sabi ng actor turned politician.

Sa nangyayaring ito sa darating na eleksiyon, tila nagkakaroon talaga ng pagkakahati-hati ang showbiz.

Ano ang masasabi ni Mayor Herbert dito?

“That’s what actually we're thinking about.

"Basta, at the end of the day, after all these exercises, magsasama-sama ulit to the best interest of the industry, yun talaga.”

Kung qualification din lang ang pagbabasehan, masasabing well-qualified si Mayor Herbert sa anumang mataas na posisyon sa gobyerno.

Twelve years siyang naging vice mayor ng Quezon City at anim na taon bilang mayor; huwag nang idagdag pa ang ilang taong pagseserbisyo niya sa mas mababang posisyon.

Sabi ni Mayor Herbert, “Hopefully by October, malalaman kung re-election or higher position [ang mimithiin ko].”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mayor Herbert sa birthday celebration ni Mother Lily Monteverde ng Regal Films, Miyerkules ng gabi, August 19, sa Valencia Events Place, sa may Quezon City.

HERBERT'S PRAYER. Bilang miyembro ng Liberal Party (LP), mukhang malinaw kay Mayor Herbert kung sinong presidentiable ang susuportahan niya.

“I belong to the Liberal Party, that’s why everybody’s working.

"Of course, it’s my prayer, everybody’s prayer that Senator Grace [Poe] will agree to unite with the Liberal Party and, you know, move forward.”

Kung sakaling hindi tanggapin ni Senator Grace ang alok ng LP na maging bise presidente ni dating DILG Secretary Mar Roxas, may plan B ba ang kanilang partido?

Sagot ni Mayor Herbert, “Wala namang plan B, e. Hanggang plan A lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Stick to Liberal Party as Liberal Party member."

Puwede rin ba siyang tumakbo bilang vice president?

“Well, if worst comes to worst, baka ganun ang mangyari.

"Pero wala pa. It’s really the party’s decision," sabi ng alkalde ng Quezon City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN