Dennis Trillo says there's no awkwardness between him and Jennylyn Mercado's ex-boyfriend Patrick Garcia

Dennis Trillo on his supposed admission about his relationship status with Jennylyn Mercado: "May gano’n ba? Wala naman, siyempre mas masaya lang siguro talaga kami na hindi pinag-uusapan at hindi ino-open sa public kung anong nangyayari sa amin."


Hindi man kinumpirma ni Dennis Trillo na sila na ni Jennylyn Mercado, bukas sa pagsasabi ang aktor na "masaya" sila sa estado ng relasyon nila ngayon.

Sa August 3 episode ng Startalk, napag-alamang sasagot na dapat ng "oo" si Dennis nang tanungin sila ni Jennylyn Mercado kung nagkabalikan sila bago pa sila nagkatrabaho sa teleseryeng My Faithful Husband.

Ngunit sa huling sandali ay nagbago ang isip umano ni Dennis, 34, matapos siyang senyasan ni Jennylyn, 28, na sumagot ng "hindi."

“May ganun ba? Wala naman, siyempre mas masaya lang siguro talaga kami na hindi pinag-uusapan at hindi ino-open sa public kung anong nangyayari sa amin,” paliwanag ni Dennis.

Minsan nang nasabi ni Dennis na siya ang tipo ng lalaking walang binabalikan na ex-girlfriend.

Bakit tila nagbago ang kanyang pananaw ngayong nagiging malapit ulit sila ni Jennylyn sa isa't isa?

Nakangiti ngunit paiwas pa ring sagot ni Dennis, “Minsan meron kang mga bagay na nasasabi na di mo pala mini-mean. Ganun talaga, e.

“Sinasabi ko lang na minsan nabibigla tayo sa mga bagay na sinasabi natin.”


MEETING OF FAMILIES? Gayunpaman, bukas ang Kapuso actor sa pagsasabing maayos ang lahat sa pagitan ng pamilya nila ni Jennylyn.

Patunay nito ay namataang dumalo si Dennis, kasama ang ama niyang si Abelardo Ho at anak niyang si Calix, sa 7th birthday party ng anak ni Jennylyn na si Alex Jazz noong Linggo, August 16.

Si Calix ay anak ni Dennis sa ex-girlfriend niyang si Carlene Aguilar, habang si Alex Jazz naman ay anak ni Jennylyn sa ex-boyfriend nitong si Patrick Garcia.

“Kasama [ko si Calix kasi] children’s party. Kasama ko din [si Daddy].

“Magkakilala na sila [ni Jennylyn] matagal na.

“Wala lang, normal lang. Oo, masaya naman [sila],” paglalarawan ni Dennis tungkol sa pagkikita muli ng kanyang ama at ni Jennylyn.

Tinanong din ang Kapuso actor kung nagkaroon sila ni Patrick ng pagkakataong makapag-usap sa naturang kiddie party.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi man sila nakapag-usap, siniguro ni Dennis na walang ilangan sa pagitan niya at ng ex-boyfriend ni Jennylyn.

Sabi pa ni Dennis, “Nag-meet naman na kami dati. Wala [ilangan].

“Di kami nakapag-usap dahil busy rin siya siyempre.”

Nakapanayam ng piling entertainment reporters si dennis pagkatapos ng presscon proper para sa pelikulang Felix Manalo, na ginanap sa Gloria Maris Restaurant, Gateway Mall, Huwebes ng hapon, August 20.


WEDDING BELLS? Sa kabila ng pagiging malapit ng kani-kanilang pamilya, nilinaw ni Dennis na wala pa silang plano ni Jennylyn na lumagay sa tahimik.

Aniya, “Hindi pa naman. Hindi naman yun ang basehan.

“Normal lang naman na maging maayos lahat.

“Pero hindi naman ibig sabihin ia-up na namin sa next level.”

Ayon pa kay Dennis, hindi niya prayoridad ang pagpapakasal sa ngayon.

“Wala pa rin [wedding plan]. Darating na lang siguro yun pag naramdaman ko na.

“Pero sa ngayon, marami pang dapat pagkakaabalahan. Doon muna ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN