Lovi Poe treats streetchildren to commemorate late dad FPJs birthday

“I’m just a call away. I’m just here to support her,” sabi ni Lovi Poe, sakaling kakailanganin ng half-sister niyang si Senator Grace Poe ang kanyang tulong kung matutuloy ang pagtakbo nito sa pagka-Pangulo sa 2016.


Halos anim na taon nang sinusuportahan ni Lovi Poe ang Childhope Asia Philippines, Inc., isang foundation na tumutulong sa mga streetchildren ng Maynila.

Kaya naman sa okasyon ng ika-76 kaarawan ng yumaong ama niyang si Fernando Poe, Jr. ngayong araw, August 20, nagbahagi ng kanyang blessings ang Kapuso actress sa mga batang kapus-palad.

Nagsagawa ng munting salu-salo si Lovi kasama ang mga bata ng Childhope sa may Paco, Manila.

Pahayag ng Beautiful Strangers star sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media, “Actually, more than just my dad’s birthday, nagkataon lang na ngayon na lang siguro, matagal ko nang gustong bumalik dito.

“Gusto ko nga ilabas soon, pero hindi pa lang nabibigyan ng oras.”

Bakit may soft spot sa kanyang puso ang mga batang lansangan na inaaruga ng foundation?

Sagot ni Lovi, “Siguro dahil pang-apat na beses ko nang bumalik dito, tapos streetchildren talaga, e.

“Kumbaga, parang they invite streetchildren to educate talaga, so depende rin yun sa bata kung babalik sila dito o hindi.

“Noong last time na pumunta ako dito, pumunta kami sa Blumentritt, tapos nagturo kami sa mga bata.”

Kabilang daw sa mga itinuturo nila ay ang mga karapatan ng mga ito bilang bata.

Sabi pa ni Lovi, ito ang gusto ng pumanaw niyang ama tuwing kaarawan nito noon—ang magbahagi ng grasya sa mahihirap—kaya ito rin ang nais niyang gawin bilang pag-aalala sa kaarawan ng Hari ng Pelikulang Pilipino.

(Lovi with the children of Childhope Asia Philippines, Inc. Photo by Arniel C. Serato)

ON HALF-SISTER SENATOR GRACE POE. Samantala, lumalakas ang panawagan na tumakbo ang kanyang half-sister na si Senator Grace Poe sa pagka-Presidente.

Pero wala pang linaw kung ano ang desisyon ng senadora.

Ayon kay Lovi, matagal na silang hindi nagkakausap at nagkikita ng kanyang kapatid.

Pero sakaling kakailanganin daw nito ang kanyang tulong, sabi ng aktres, “I’m just a call away. I’m just here to support her.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa naman sa mga intrigang ibinabato ngayon kay Senator Grace ay ang tungkol sa pagiging ampon nito.

Pero para kay Lovi, hindi nito nabago ang katotohanang lumaki at nagkamalay ang kanyang ate sa piling ng amang si FPJ at ng asawa nitong Susan Roces.

“I think she’s fine naman e, and she’s very storng. She’s a strong woman.

“Parang, sabi ko nga, na I’m praying for her.

“Walang issue sa akin yun, kasi parang... in fact, si Papa talaga, sila talaga kasama lumaki.

"Kung sino ang nagpalaki sa ‘yo, siya ang magulang mo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN