Lovi Poe on Marian Rivera-Heart Evangelista reconciliation: “Of course, I think it’s possible. They’re both good people.”

Lovi Poe on rift between her friends Heart Evangelista and Marian Rivera: "Well, ako, mas okay na yung mas maging happy na lang lahat. What is important is malalaki na kami. Siyempre, we’re all in the same network. So, it’s important na maging maayos."


Sa nakaraang 15thanniversary party ng YES! Magazine, nagkaayos na si Lovi Poe at ang nakatampuhan niyang si Marian Rivera.

Si Lovi ang unang lumapit at nakipagbeso kay Marian.

Read: Marian Rivera and Lovi Poe back on good terms?

Ano naman kaya ang naging reaksiyon dito ng kaibigan ni Lovi na si Heart Evangelista, na hanggang ngayon ay kaalitan pa rin ni Marian? Nagkaroon ba ng tensiyon sa pagitan nila?

Paglilinaw ni Lovi, “Of course not. She’s fine naman, e.

“Parang, we all… well, ako, mas okay na yung mas maging happy na lang lahat.

“What is important is malalaki na kami. Siyempre, we’re all in the same network.

“So, it’s important na maging maayos.”

Ayon pa kay Lovi, nag-thank you naman si Heart kay Marian sa show nitong Startalk nang mabanggit ng huli na sana ay mag-move on na lang lahat.

Dagdag ng 26-year-old actress, “We are all praying for the best.”

Naniniwala ba si Lovi na posible ring magkaayos sina Heart at Marian?

Tugon niya, “Of course, I think it’s possible. They’re both good people.”

Nagkasama sina Lovi, Heart, at Marian sa pelikulang Temptation Island noong 2011.

Habang ginagawa nila ang nasabing pelikula ay nagsimula ang alitan nina Marian at Heart, at nadawit na rin si Lovi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN