Nadine Lustre hospitalized due to bad cough and difficulty in breathing

Isinugod sa ospital kahapon, August 21, si Nadine Lustre dahil sa patuloy daw nitong pag-ubo at nahihirapan siya sa paghinga. At press time, baka ngayong araw, August 22, ay na-discharge siya.


Isinugod sa ospital kahapon, August 21, ang On The Wings Of Love (OTWOL) star na si Nadine Lustre .

Ito ay base sa post ng OTWOL executive producer na si Arnel Nacario sa kanyang Instagram account.

Get well soon our baby girl @nadzlustre! We love you!

A photo posted by @arnelize onAug 20, 2015 at 10:59pm PDT

Sa mensaheng ipinadala ng publicity officer na si Eric John Salut sa ABS-CBN News, ubo at hirap daw sa paghinga ang sanhi ng pagkaka-ospital ni Nadine.

Ani Salut, "Last night, she was coughing bad, and difficulty breathing. She was rushed to the hospital and was advised to take some rest. Hopefully, she'll be discharged tomorrow [August 22]."

Kaagad namang dumalaw ang ka-loveteam ni Nadine sa OTWOL na si James Reid sa ospital.

Nagpaabot din si James ng "get well soon" message sa kapareha sa primetime show ng Kapamilya network.

Dumalaw rin ang kaibigan at kapwa Viva talent na si Andre Paras kay Nadine.

Kung bumuti ang lagay niya, maaring nakalabas na ang Kapamilya star ngayong araw, August 22, sa ospital.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN