#ALDUBagainstALLODDS reaches more than 2 million tweets

Umabot na sa mahigit 2.3 million ang hashtag na #ALDUBagainstALLODDS. Sa isang punto pa nga ay parehong naging top trending topic ang nasabing hashtag nationwide at worldwide.


Mainit na mainit pa rin ang #ALDub fever kung ang pagbabasehan ay ang dami ng tweets na nakukuha araw-araw ng tambalang Alden Richards at Yaya Dub o si Maine Mendoza.

Ngayong Sabado nga, August 22, ay umabot na sa mahigit 2.3 million ang hashtag na #ALDUBagainstALLODDS.

Sa isang punto pa nga ay parehong naging top trending topic ang nasabing hashtag nationwide at worldwide.

Habang isinusulat ang artikulong ay nasa No. 1 spot pa rin siya nationwide at No. 2 naman worldwide.

Oh MY GEEEEE ! 2.32 M ! #ALDUBAgainstALLODDS pic.twitter.com/d7qANXBw3I

— MaiDen For Real (@NyeeeLa01) August 22, 2015

2.32M tweets. Trending parin worldwide. 😊 #ALDUBAgainstALLODDS pic.twitter.com/xGacxM8hm2

— Grace Vergara 김수현 (@gracehyun16) August 22, 2015

Nagpaabot naman ng kanilang pasasalamat sina Alden at Maine, sa pamamagitan ng kani-kanilang Twitter accounts, dahil sa napakalaking suportang ibinibigay sa kanila ng netizens.

Lakas ng AlDubnation!! 2.1M tweets! Maraming maraming salamat. 🙌🏻 #ALDUBAgainstALLODDS

— Alden Richards (@aldenrichards02) August 22, 2015

Amazing!!! Maraming salamat! https://t.co/Gs5Obpuqby

— Maine Mendoza (@mainedcm) August 22, 2015

Maging ang personal social media accounts nina Alden at Maine ay nadagdagan nang husto ang followers.

As of August 22, 10 P.M., ang Twitter account ni Alden (@aldenrichards02) ay mayroon nang 883k followers; habang ang kanya namang Instagram account (@aldenrichards02) ay mayroon nang mahigit 700k followers

Si Maine naman ay lumobo na sa 571k ang kanyang followers sa Twitter (@mainedcm), sa loob lamang ng lagpas isang buwan mula nang una siyang lumabas sa Eat Bulaga.

Ang kanya namang Instagram account (@mainedcm) ay umabot na sa 677k followers.

Samantala, ang official Facebook account naman ng Eat Bulaga!, kung saan kabilang sina Alden at Yaya Dub, ay mayroon na ngayong mahigit 8.4 million followers.

Ang mga numerong ito ay nagpapatunay lamang na ang AlDub ang pinakamainit na tambalan ngayon sa telebisyon, at sinasabi pa ngang phenomenon.

Ito ay sa kabila ng wala pa silang teleserye o pelikulang nagagawa.

Dahil sa kanilang tambalan ay nabuo ang "KalyeSerye," kung saan live silang nagpapakilig sa mga manonood tuwing tanghali, mula Lunes hanggang Sabado.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN