Miguel Tanfelix says loveteam with Bianca Umali not threatened by AlDub's popularity

Miguel Tanfelix (shown in photo with Bianca Umali) says his loveteam with Bianca doesn't feel threatened by AlDub's immense popularity: “Okay lang. Hindi ko naman kasi tinitingnang kumpetisyon, kumbaga parang healthy competition pa rin.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Miguel Tanfelix sa ginanap na 4th General Trias Youth Leaders Summit sa Lyceum of the Philippines Campus-Cavite sa General Trias, Cavite, noong Huwebes, August 20.

Doon ay ginanap ang launch ng ‎Pass-A-Book Ni BiGuel na ‎advocacy ng tambalan nina Miguel at Bianca Umali.

Sa naturang programa ay nakatakdang pumunta ang magka-loveteam sa iba’t ibang eskuwelahan para mamigay ng mga libro at para rin mangolekta ng mga donated books na ipapasa naman sa ibang paaralan.

Paliwanag ni Miguel, “Kumbaga parang papaikutin namin yung mga books.

“Kami ni Bianca, mahilig kaming magbasa ng books, e. So balak naming parang maging ambassador ng isang campaign tungkol sa books kaya ito na yun.

“Natupad!

“Madami ka talagang matututunan sa books. Di ba maraming stories na magaganda 'tapos lalawak pa yung vocabulary mo at gagaling ka pa sa grammar, di ba?

“And iba e...ibang magbasa ng book, gumagana yung imagination mo, e.”

Gagawin daw nila ito ni Bianca on a regular basis.

“Basta papaikutin namin ang mga libro, meron kaming campus tours, meron kami sa mga malls, book drives,” dagdag niya.

FOLLOW-UP TELESERYE. May follow-up na ang teleseryeng Once Upon A Kiss nina Miguel at Bianca.

Kuwento ng binata, “Meron pong upcoming show po ngayon before mag-end yung year.

“Siguro September magte-taping na po kami. Hindi pa po sure yung title, e.”

ALDUB FAN. Sikat ang BiGuel pero dahil sa phenomenal success ng AlDub nina Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) sa Eat Bulaga! ay may mga nagsasabing kabilang ang BiGuel sa naapektuhan ng AlDub.

“I’m a fan ng AlDub,” bulalas ni Miguel.

“Nakakatuwa, nakakakilig.

“Gusto ko ngang ma-meet si Yaya Dub, e.”

Uunahan pa niya si Alden?

“Ah hindi, sila muna bago ako,” at tumawa si Miguel.

HAPPY FOR ALDEN. Masaya raw siya para kay Alden na nakasama niya dati bilang tween star sa Reel Love: Tween Hearts na show ng GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw siya threatened sa matinding kasikatan ngayon ni Alden.

“Hindi, okay lang. Hindi ko naman kasi tinitingnang kumpetisyon, kumbaga parang healthy competition pa rin,” paglinaw niya.

May mga nagsasabing “nasagasaan” ng AlDub ang BiGuel at ang GabRu nina Gabbi Garcia at Ruru Madrid. Puwede nga raw itong maging phenomenal gaya ng JaDine nina James Reid at Nadine Lustre, pati na rin ang KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Wala raw nararamdamang ganoon si Miguel.

Muli niyang pagklaro, “Wala naman po. Basta ako naaaliw ako sa kanila.”

SADDENED BY SAS CANCELLATION. Samantala, naging parte si Miguel ng Sunday All Stars na pinalitan ng Sunday PinaSaya.

Lahad niya, “Siyempre medyo nalungkot kasi ako, love ko yung dancing, e. And dun nasu-showcase ko yung pagsasayaw ko po.

“And then kaso iyon, natanggal, sayang.

"And kasi sa Sunday All Stars marami kaming nakaka-bonding na kapwa artista namin, e.

“Sad pero alam ko namang may darating pa ulit show na ganun dahil hahanap-hanapin iyon ng mga Kapuso natin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN