Bianca Umali on real score with Miguel Tanfelix: "Mas itataas sa mag-best friends pero hindi pa doon sa level ng nag-iibigan na."

Bianca Umali talks about loveteam partner Miguel Tanfelix's funny side: “Yung tipong he always tries to put a joke up, pero sa sobrang corny walang tumatawa sa joke niya. So ako na lang. So iyon, siguro ako nga lang po talaga yung tumatawa sa jokes niya.”


Isa raw bookworm si Bianca Umali.

Sabi niya, “Ako po personally, napakahilig ko po talaga sa mga libro, super!

“Yung free time ko po, I spend it, kung hindi po nag-aaral, nagbabasa po ako ng books, ganun.”

Isa raw sa mga favorite books ni Bianca ang Stardust ni Neil Gaiman.

“So far iyon yung pinaka-favorite,” pakli niya.

Kahit panahon ngayon ng modern technology, mas gusto raw ni Bianca na magbasa ng aktuwal na libro kaysa magbasa ng mga electronic books na dina-download sa tablet o laptop.

“Yes! Actually, I always try na... kasi sa mga panahon ngayon bilang digital age naman na, marami talagang you can just download books and not go to the bookstore and buy.

“Pero kasi po yung para sa akin naman, kasi naiisip ko yung pagod nung writers, nung publishers, yung nagagastos mo for just one book and in fact ilang copies yung ginagawa so ang mahal.

“So sabi ko, kung walang mag-a-appreciate nun, sayang naman malulugi silang lahat. So ako, isa ako sa mga mas naa-appreciate yung mga libro talaga.

“At saka gustong-gusto ko po yung amoy nung bagong libro,” lahad pa ni Bianca.

Nakapanayam ng PEP.ph si Bianca sa ginanap na 4th General Trias Youth Leaders Summit sa Lyceum of the Philippines Campus-Cavite sa General Trias, Cavite noong Huwebes, August 20.



LITERACY ADVOCACY. Doon ay ginanap ang launch ng ‎Pass-A-Book Ni BiGuel na ‎advocacy ng tambalan nina Bianca at Miguel Tanfelix.

Sa naturang programa ay pupunta ang magka-loveteam sa iba’t ibang eskuwelahan para mamigay ng mga libro at para na rin mangolekta ng mga donated books na ipapasa naman sa ibang paaralan.

Katuwang nila sa proyektong ito ang GMA Artist Center.

“Sila po yung magchu-choose ng school 'tapos yung program po namin is from one school, kukuha kami ng books.

"And then, we will be passing the books to another school 'tapos cycle na po iyon,” paliwanag ni Binca.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

REAL SCORE. Ang puso ba ni Bianca ay ipa-pass na rin ba niya kay Miguel?

“Naku iyan po ang hindi ko pa po alam,” at tumawa ang Kapuso tween actress.

“Pero Miguel and I naman, we’re really great friends talaga, walang showbiz or anything.

“Pero iyon nga po, tulad nga po ng sinasabi niya, kung meron pong mas itataas sa mag-best friends pero hindi pa doon sa level ng nag-iibigan na.

“Iyon, nandun po kami ngayon.”



COMFORTABLE WITH MIGUEL. Kung nagkataong sa next project ni Bianca ay hindi si Miguel ang kapareha niya, ikalulungkot daw iyon ni Miguel.

Sabi naman ni Bianca, “Actually, ako din po talaga. Kung meron po akong choice na pumili kung sino yung makakatrabaho ko bilang ka-loveteam, si Miguel po talaga.

“Kasi working with Miguel, iba po talaga e kasi siguro sobrang tagal na po naming magkatrabaho. Ilang years na ba? Seven?

“Seven years na, kaya sobrang kumportable na.

"Kaya whenever may bago po kaming project together, wala na pong adjustments, wala na po kaming masyadong iniintindi on our team-up and on how we act with each other, relax na lang.

“And for me, sobrang dali pong magtrabaho kapag ganun kasi wala ka na pong masyadong iniintindi.

“Ikaw na ikaw, kilala na niya, ng katrabaho mo kung ano yung gusto mo, kung paano ka gumalaw, memoryado na.”

REVELATION ABOUT MIGUEL. Sa pitong taon nilang pagsasama sa trabaho, may discovery si Bianca sa ugali ni Miguel.

Natatawa niyang kuwento, “Sobrang corny niya pong tao, sobra!

“Yung tipong he always tries to put a joke up, pero sa sobrang corny walang tumatawa sa joke niya, so ako na lang,” at natawa si Bianca.

“So tinitingnan ko na lang yung perspective niya na, ‘Nakakatawa ito, e.'

“So iyon, siguro ako nga lang po talaga yung tumatawa sa jokes niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ALDUB FAN. Isa ang BiGuel loveteam sa sinasabing naapektuhan ng AlDub tandem nina Alden Richards at Yaya Dub o Maine Mendoza.

Pero si Miguel ay tagahanga ng Aldub.

“I am a fan din,” bulalas ni Bianca.

“Actually, talaga.

“Kasi sobrang, actually nanonood po ako ng Eat Bulaga! only when I’m at home 'tapos napapanood ko po yung kalyeserye, 'tapos yung moments nila.

“Gusto ko silang makita together in person kasi hindi pa po sila nagkikita.

"Ako po personally, kinikilig ako sa kanila kahit na hindi sila magkasama.”

Threat sa halos lahat ng loveteams, BiGuel included, ang AlDub, pero wala raw kaso iyon kay Bianca.

“Ako naman po, okay lang kasi I don’t see naman our work as competition talaga.

“Kami, kaibigan po namin si Alden, nakakasundo po namin si Alden. Iyon nga lang, hindi pa namin name-meet si Yaya Dub.

“Pero kahit naman po sa ibang loveteams like us, like GabRu [Gabbi Garcia at Ruru Madrid], magkakaibigan naman po talaga kami.

“And kami ni Miguel nagtatrabaho lang po kami, kung ano yung nagagawa namin, and we do our best.

“Pero wala po sa amin na competition,” paglinaw niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN