Netizens rave about fake #Yakie wedding on Eat Bulaga's KalyeSerye

Umani ng papuri mula sa netizens ang naging twist sa Yakie wedding, kung saan nalamang impostor ang pastor na nagkasal kina Yaya Dub at Frankie Arinoli. Inamin din ni Lola Nidora na nagpanggap lang siyang maysakit at may taning na ang buhay niya upang makuha ang pera mula kay Frankie. Dahil dito, tuloy ang "forever" para kina Alden at Yaya Dub.


Hindi pa rin maka-get over ang maraming netizens sa episode ng KalyeSerye ng Eat Bulaga! nitong Sabado, August 22.

Maliban sa umabot sa mahigit 2.5 million tweets ang hashtag na #ALDUBagainstALLODDS, patuloy pa rin ang pag-uusap ng #AlDub fans sa Facebook page ng Eat Bulaga! (with more than 8,435,000 followers) pagkatapos nilang i-upload ang video ng pekeng kasalan nina Yaya Dub (Maine Mendoza) at Frankie Arinoli (Jose Manalo) o ang tinatawag na "Yakie" wedding.

Nai-upload ang nasabing video pasado alas-onse ng gabi ng Sabado. As of 11 A.M. ng Linggo, August 23, ay mayroon na itong 180,645 likes; 47,115 shares; at 9,494 comments.

Sa comments section ay nagbigay ng kani-kanilang reaksiyon at opinyon ang mga manonod ng Eat Bulaga! tungkol sa napanood na episode.

THE TWIST. Marami sa kanila ang pumuri sa 'di naasahang twist ng istorya, kung saan impostor pala ang pastor na nagkasal kina Yaya Dub at Frankie kaya peke ang kanilang kasal:

Shiela Adriano: "yung sumisigaw ka pa kanina dahil ayaw tumayo ni Alden at tumakbo...pero di naman na pala kailangan dahil hindi totoo ang kasal...peke ang pastor...bwahahaha. yung feeling na gusto mo ng batuhin yung tv dahil naiiyak ka na sa mga nangyayari...pero napangiti ka kasi ang ganda ng twist ng story!!! yung nag-aabang ka pa rin kahit napanood mo na ito kaninang tanghali pero panonoorin mo ulit kasi tuwang tuwa ka at avid fan ka ng AlDub... wooohhhh No to YaKie Wedding...ang daming nag-abang...kahit hopia pa din ang pagkikita nila yaya dub at alden...okay lang...at least peke ang kasal...hahaha may aabangan pa tayo sa lunes!!!"

Eralyn Albanez: "Aminin man natin at s hindi pero Sobra kang kinabahan nung sinabi ng pari na kiss na bride na..... pero bigla taung nabuhayan at sndalin nahinto sa pagpatak ng luha at pagka lungkot nung tumunog ang wang wang at dumating ang mga police.... sabay sabing inaaresto nila ung nagkakasal dahil peke at wala siyang karapatan na magkasal.. tapos doon nag simulang muling lumiwanag ang ating mga mukha patuloy na naniwala na may For ever... Ung scene ngaun.. grabeng bigat.. we are all affected sa lahat ng naging kaganapan.. na parang akala natin nandun tau s kasalan... woooohh.. Sinu nakamiss sa payo ni lola nidora?? Hit like.....at sinung Sobrang nahabag kay bae alden.. Comment ka anu reaction m.....Mabuhay ang Eatbulaga..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maria Socorro Ellen Pector: "kahit parang tanga n tayo n tumutulo ang mga luha habang pinapanood ang mga luhaang mukha nina yaya dub at alden during #YAKIE wedding at ntawa p din ng isingit ni lola ni dora ang tseke.. tapos mlalaman m n lng n peke pla ang pastor pati sakit ni lola at ung tseke. buong-buo ang sabado ko! #ALDUBpaMORE"


Delirio Bokbokobo: "kakabilib talaga ang Eat Bulaga dahil hindi nila ginamit ung gasgas na linyang 'ITIGIL ANG KASAL' dun sa part na magsasabi na ng 'I DO' bagkus ay itinuloy nila at pinalabas na peke ang lahat... taob lahat ng teleseryeng umpisa pa lng alam mo na ang ending...WOAAAH kudos Eat Bulaga"


Dannica Meryll Pelayo: "SI KUYA KO 24 YEARS OLD NA. NGAYON LANG NAGING FAN NG ISANG LOVETEAM KASI GRABE NAIIYAK NA SIYA NUNG MAKITANG WALANG MADAANAN SI ALDEN SA DAMI NG ROGELIO NA NAKAHARANG!!! LAUGHTRIP. PERO GRABE SUMIKIP DIN TALAGA DIBDIB KO NUNG DI KUMIKILOS SI ALDEN. HAHAHAHAHA ATLEAST DI LEGIT ANG KASAL."


THE PLAYERS. May ilan namang sobrang nadala sa emosyong ipinakita ng mga tauhan sa KalyeSerye:

Jhing Austriaco: "Grabe na naman iniyak q ngayon ah... ramdam na ramdam q c alden! Parang 22o tlga ung sakit na narramdaman nya kanina... d lng mata nya.. mejo namaga rin kamay nya s pagkkasuntok nya nung natuloy ang kasal.... totohanan n b tlga to alden???"

Mykaella Garsona: "Akting2x lng to di ba? Ba't parang lakas ng hugot mo, Alden? Nakakagulat ka. Suntukin mo ba naman yung mesa. Are you ok, bae? Keep calm. Si Yaya kahit makasal yan kay frankie 2Million times, si Maine, hindi yan maaagaw. Di mo na kailangan sabihin kay lola na gagawin mo lahat dahil ever since you've done so much and you've invested so much for AlDub."

MoRin Manlupig: "Sumikip dibdib ko sa iyak ni Alden. ;-( Ramdam ko siya.. iyak at biglang tawa nung japeyk ang kasal..ramdam ko kasiyahan nilang dalawa ni Yaya. I labet nung pasayaw si Alden. Saya lang nila. Genuine ang emotions...nafall na talaga siya kay MM. Galing ng EB. ^^ Japeyk lahat ng kaganapan pwera ang suntok ni Alden ahahaha."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

lyod Sy Chua: "nsan c wally??sa sobrang galing ni wally prang ibng person tlga c lola at duh...di n ako sanay mapanood si wally na dating wally kundi c wally na c lola at daya uh..galing mo wally!!!!galing nu EB!!!!YAYA at ALDEN pag nagka movie kau cgurado wllng sasabay sa pagpalabas ng sinehan dhil lalangawin mg akasabayan nung pelikula!!!!galing nu tlgahh sana magkatuluyan kau ni alden sa real life..."

Apaul Teope: "Sobrang galing ni wally, second chance is the best!!! ang kalyeserye din ang nagpapasaya sa anak niyang may sakit ngayon. Thank you Eat Bulaga"

Chelsea Barleta: "#Crypamore!! They really act they have true feelings to each other!! I hope totohanin na nla! Alden, pag nagkita kayo, ligawan mo na kaagad.. dameng nakaabang!"

Chi Besa: "Rogelios ang lupit nyo! Lahat yata ng exit point ng broadway e merong bantay na Rogelio... At infairness sa knila, umulan lang dumami na sila! hahahaha! Ang matindi pa neto, umuulan na, aba'y naka-shades pa rin! *wow!welder???wow!(babalu style)."

THE LESSONS. Marami rin ang natuwa sa mga aral na napupulot nila mula sa KalyeSerye:

Davis Torres: "Okay, alam na natin ang lesson dito. Its all about love. Pero mas tinamaan ako sa ginawa ni lola, nag-sorry sya kila yaya at alden. Lets admit it, sa mga nakakatanda... Hirap silang i-express ang magpakumbaba sa mga bata o nakakabata, kahit pa minsan sila ang mali. Ang kadalasang sinsabi nila, mas matanda ako, mas may karanasan sa buhay at mas may nalalaman. Sa pinakita ni lola, hindi kawalan ang magpakumbaba. Ooops, wag po sana magalit ang mga nakakatanda dyan, just saying."

RhEi Latorre: "The best ang EPISODE NGAYON NG KALYESERYE,pati simbahan ay nakiki ayon sa MORAL STANDARDS na nakukuha nating aral especially sa mga kabataan ngayon.MABUHAY EAT BULAGA! MABUHAY ALDUB!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maldito Koh: "Kaya dapat tayo mga lalaki marunong tyo mag hintay kasi pag nangyari yun tumagal tyo sa isang relasyon kaysa mabilis baka bilisan den na mag hiwalay kayo so be patience always guyz"

THE EFFECT. May ilan namang nagsabi kung paano nabago ang kanilang araw-araw na pamumuhay dahil sa KalyeSerye, at may iba pang hindi na bumibitaw sa pagtutok:

Jurvien Picardal: "Kaninang umaga d nako mapakali inip na inip nako . Gumawa pa ko ng account sa u stream para makapag live stream at makapanood ang mga tropang ko may pasok sa trabaho ng sabado. Nalungkot at napaisip na pano ma hihinto ang kasalang YAKIE kung naka harang ang mga Rogelio at dmakaka punta sa Venue ng kasal si Alden. Nag isip ako ng mga twist na pedeng mang yari pero wala akong maisip na accurate na kong saan mapipigil ung kasal talagang feel ko na matutuloy ung kasal at walang happy ending. Nang biglang may dumating na pulis at akala ko mahuhuli pa si lola nidora. Yun pala fake pala ung pastor. Bglang WOW ang galing ibig sabhin wala bisa ung kasal pati si lola wala palang sakit bali mapapanood ko pa si lola sa Kalyserye . NAPAKA GALING NG PAG KAKA TWIST ng istorya didn't expect that na linlang niyo kaming lahat ng mga dabarkads. Ngayon lng ako na addict sa mga gantong love team love team na yan usually na babaduyan ako sa ganyan. Pero iba ung dating ng love team ng ALDUB. KILIG. TAWANAN. IYAKAN. AT MAAKSYONG LABANAN yan ang hatid satin ng KALYESERYE. At ang dahilan kung bakit bglang sikat ang ALDUB ay hindi tulad sa ibang love team na mga bata at teenagers lng na babae ang nahuhumaling. Hindi tulad sa ALDUB love team napukaw nila ang puso ng mga kalalakihan. Mga tambay. Mga professional. Mga matatanda. Samahan pa ng JOWAPAO natalaga namang nakakatawa at magagaling umarte ng live. they never disappoint us. Thank you so much EATBULAGA like emoticon #ALDUBAgainstALLODDS"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Knaz Knaz: "Nakakatulong ang #Aldub sa Ekonomiya at sa Mga tao. Less crime during the kalyeserye. Halos walang trapik or should I say walang trapik.. During Eat Bulaga. May natututunan Mga tao, tungkol sa love... Nagkakaisa ang pamilya na Sama samang manood.. ( tawag ko dun quality time) Nakakawala ng stress! At nakakapagpasaya sa aming Mga nasa ibang bansa na todo kayod para sa aming pamilya... Nakakabawas lungkot.. May idadagdag paba kayo????"

Jun Bro: "napanood ko nmn na to knina sa eatbulaga pero bkit kaylangan ko pang ulit ulitin n paoorin?.. #AlDubAddict na ba ako? ikaw ikaw kyo kayong lahat #AlDubAddict din b kyo?"

Aran Cases Bautista: "Yung biglang tumawag ang tatay mo kanina sa bahay from his work para tanungin at kamustahin kung natuloy ba ang kasal ni yaya dub at kung natigok na si lola nidora... HAHAHA na adik na rin ata sya sa aldub, nung nakapanood sya ng 2 episodes nito nung day off nya."

Johniel Quizon Reambonanza: "Ako yung klase ng netizen na tahimik lang at walang pake sa kung ano man ang trending. Ako din yung klase ng tao na hindi kinikilig sa mga binubuong loveteam. Pero iba ang #ALDUB. Ibang-iba sa lahat. Yung feeling na kahit single ka, pero ramdam mo na para kang nagmamahal. Yung feeling na kahit alam mong acting lang ang lahat pero affected ka sa mga pinaggagagawa nila. Yung feeling na kahit badtrip ka, mapanood mo lang sila, bigla ka na lang mapapangiti at mapapatawa. Iba ang #KALYESERYE sa lahat. Wala akong masabi. Salamat Eat Bulaga dahil binuhay niyo ang katawang lupa ko na matagal nang natutulog! Deserved to be called the NUMBER 1 NOONTIME SHOW in the world! Kuddos and God bless Eat Bulaga"

Aira Justine Yparraguirre: "Totoo lang dahil sa #Aldub napabayaan ko COC ko. Hahaha! Oras talaga ng looting ko araw araw sa coc yung eat bulaga eh pero nung nauso tong kalyeserye potek wala na kong gana maglaro hanggang sa maubusan nako ng resources. Pati war ng sarili kong clan napabayaan ko dahil sa pag aantay ng replay sa sobrang adik. HAHA! Pero okay oang kahit matalo sa war, mahalaga panalo sa puso ko ang Aldub! Alelelelelelelel! Like kung di kana rin makaloot sa COC dahil sa Aldub hahaha!"Ethel Mata De Jesus: "Here in Pomona, California. Napupuyat kami ng family ko mapanood lang ang AlDub, We cried, we laughed. Family bonding namin ang AlDub every night, Mon-Fri. Maine is so pretty! Bagay kayo ni Alden!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Analyn Clemente: "... di mababayaran yung saya at kilig sa teleseryeng ito... tayong mga ofw kahit pagod nawawala ang pagod pati stress sa galing ng EB #AlDub gumamot sa ating mga homesick... the best ang EAT BULAGA nahuli nila kiliti ng masa"

THANK YOU, EAT BULAGA! Marami rin ang nagpasalamat sa mga bumubuo ng Eat Bulaga! dahil sa pagbibigay nila ng kasiyahan sa maraming manonood dahil sa KalyeSerye:

Joshua Garcia Muñoz: "Lets give a hand sa mga taong nasa likod nitong show na Eat Bulaga :') everyday maganda ang pinapakita at pinapalabas nila! Saludo ako sa mga producers, staffs, and floor managers! Sa mga artista like TVJ and JoWaPao and sa Aldub! You all make our tanghalian complete! Keep it up!"

Angelita Dona: "Thank u eat bulaga for uploading the video. Grabe! Saludo ako sa crew,staff,cameraman at sa lahat ng bumubuo ng eat bulaga family. Especially sa cast ng kalye serye Kudos to wally bayola u really did a great job. Sobrang ganda ng twist ng story. Congratulation!!! More years to eat bualga & more power to GMA 7 kapusong totoo. SALAMAT! my stress reliever every after toxic duty. Im a Nurse here in Saudi Arabia. Once again CONGRATULATION! trending not only nationwide but Worlwide around the globe. To Alden & Maine may forever sa inyong dalawa ito man ay for reel or for real. Keep your feet below the ground., kahit sobrang sikat nyo i do believe that your always be the same person as who u are both simple and humble... God bless to all! Salute to all of you!!!♡♡♡"

Joeffrey Antiquina: "simple lang ang mensahe hindi lahat ng bagay nabibile ng salapi dapat ito ay tanggap ng dalawang tao na 2nay na nag mamahalan salamat EB at ALDUB sa sandaling minuto ay napapasaya nyo kami hindi lang ang mga tao sa pillipinas pati na ren kaming nan d2 sa ibang bansa taas na ang dalawang kamay ko kayo talaga ang NO. 1 sa puso namin solid EAT BULAGA"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Milagros Lopez: "Congratulations Eat Bulaga! Sa episode ng kasalang Frankie and Yayadub napakaganda,,ang daming magagandang aral na sinabi ni Lola Nidora! Mabuhay kayo, D'best talaga!! God Bless!!!"

Bong Sayson: "Saludo ako sa EB! Akalain mo..nagawa nilang lagyan ng istorya ang gimik ng juan for all na nadaan lang sa biruan...katatawanan at mag bigay pag asa sa bawat baranggay na napupuntahan nila...hindi mo aakalain sa simpleng dubmash ...split camera on tv at palitan ng sulat ..mabubuo ang aldub? Isang tinawag na kalyeserye na may drama at hitik sa katatawanan na akala mo sarsuela lang..pero sumuwak sa sa puso ng nakararaming pilipinong manonood.. .. para sa akin.. It is a breakthrough on Philippine TV! Again congrats Eat Bulaga!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN