Kris Aquino responds to OFWs' concern about Balikbayan box

Kris Aquino says she cannot act personally on OFWs' concern about the Bureau of Customs's random-inspection rule on Balikbayan boxes. However, she says, “Your concerns didn't fall on deaf ears, and in my own small & humble way I do hope I was able to help.”


Inulan ng mga hinaing mula sa overseas Filipino workers (OFWs) ang Instagram post ng TV host-actress na si Kris Aquino kagabi, August 22.

Sa larawang ipinost ni Kris, na kuha mula sa airport, agad na nakatawag-pansin ang signboard na “Customs” sa may likuran niya.

Last woman left shooting. #EtiquetteForMistresses #EXHAUSTED

A photo posted by Kris Aquino (@withlovekrisaquino) onAug 22, 2015 at 4:02am PDT

Bilang kapatid ni Pangulong Noynoy Aquino, hindi naiwasan ng ilang followers ni Kris ang maglabas ng sama ng loob sa Bureau of Customs (BOC).

Kamakailan kasi ay inanunsiyo ng Customs na magsasagawa sila ng random inspection sa Balikbayan boxes upang maiwasan diumano ang pagdadala sa bansa ng mamahaling items nang hindi nagbabayad ng tax.

Mahigpit itong tinututulan ng maraming OFWs.

Dininig naman ni Kris ang ilan sa mga hinaing ng kanyang IG followers.

Sa kasunod na Instagram post niya, sinabi ng Kris TV host na ipinaalam na niya sa kinauukulan ang kanilang pagtutol sa bagong inspection rule ng BOC.

Sabi ni Kris sa caption ng post: “I already forwarded your concerns w/c you very clearly stated on my thread in my previous post to those in a position to not only address them but hopefully study, clarify, and act on policies that have a direct impact on you, your sacrifices, and your love for family that motivates not just you, but all of us to work hard.”

Gayunman, nilinaw rin ng bunsong kapatid ni PNoy, “I make no promises because I'm not in government, but your concerns didn't fall on deaf ears, and in my own small & humble way I do hope I was able to help.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN