Marian Rivera formally relinquishes Marimar role to Megan Young

Megan Young's message to Marian Rivera on Instagram: "Thank you so much Ate Yan @therealmarian for the kind gesture ð


Hindi napigilang mapaluha ni Megan Young nang personal siyang batiin ni Marian Rivera para sa kanyang pagganap bilang bagong Marimar.

Ngayong tanghali, August 23, ay nag-guest si Megan at kanyang leading man na si Tom Rodriguez sa Sunday Pinasaya, kung saan kabilang si Marian, upang mag-promote ng Marimar.

Habang nagpu-promote sila ay tinawag ng co-host na si Alden Richards si Marian, na may dala-dalang bouquet ng bulaklak para kay Megan.

Halata namang nasorpresa si Megan nang lumabas si Marian upang personal siyang batiin at ibigay ang kanyang blessing sa pagganap niya bilang Marimar.

Sa madaling-salita, tila pormal nang ipinasa ng Kapuso Primetime Queen sa Miss World 2013 ang korona bilang Marimar.

Ilang sandali pagkatapos ng kanilang pagtatagpo ay nag-post si Megan sa Instagram (@meganbata) ng larawan nila ni Marian na magkasama.

Caption niya rito: "Aaaaaw! Thank you so much Ate Yan @therealmarian for the kind gesture 😍 I am trying to hide my crying face (kasi mukha akong baby pag umiiyak HAHAHAHA)! You are truly a woman beautiful inside and out. I will always keep in mind our little convo right before we got off the stage hehe! Love you and congrats to you and Kuya Dong with your baby 👶 ❤️ #surprisesurprise#nakakaiyak#tumamblingako#starstruck 🌸🌸🌸🌸 #Marimar2015"

Base sa sikat na Mexicanovela na Marimar, na ginampanan ni Thalia, ginawan ito ng Pinoy remake ng GMA Network noong 2007.

Ang napiling gumanap bilang Pinay Marimar ay si Marian Rivera.

Ito ang naging launching pad ni Marian upang tanghalin siyang Kapuso Primetime Queen, at kung saan din niya nakapareha at nakilala si Dingdong Dantes na mister na niya ngayon.

At pagkatapos ng walong taon ay ginawan ito ng bagong bersiyon ng GMA, at si Megan naman ang napiling gumanap bilang makabagong Marimar.

Si Tom naman ang gumaganap bilang bagong Sergio.

Ang pagkikita nina Marian at Megan kanina sa Sunday Pinasaya ay magbubura na marahil ng mga intriga sa pagitan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magsisimula ang bagong Marimar ngayong Lunes, August 24, sa GMA Telebabad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN