Jodi Sta. Maria refuses to take sole credit for Pangako Sa 'Yo's high ratings; stresses team effort

Jodi Sta. Maria doesn't want to take sole credit for the consistent high ratings of her Kapamilya serye: "Walang Pangako sa 'Yo kundi dahil sa bawat isang karakter na nandun sa show. At hindi lang yun, kundi dahil sa creative team, na talaga namang nagpupuyat, naghihirap kung paano mapaganda yung show."


Consistent ang high ratings ng Kapamilya seryeng Pangako Sa 'Yo, pero may ilang nagsasabi na higit daw tumaas ang ratings nang pumasok ang karakter ni Amor Powers na ginagampanan ni Jodi Sta. Maria.

Para naman kay Jodi, ang mataas na ratings ng kanilang serye ay hindi dahil sa kanya lang, kundi isa itong team effort mula sa lahat ng kasali sa show.

Paglinaw niya, “Alam mo, sa totoo lang I don’t want to take credit dun sa pagtaas ng ratings kasi naniniwala ako na bawat isa sa amin, nagbibigay ng important part sa Pangako sa 'Yo.

“Walang Pangako sa 'Yo kundi dahil sa bawat isang karakter na nandun sa show.

“At hindi lang yun, kundi dahil sa creative team, na talaga namang nagpupuyat, naghihirap kung paano mapaganda yung show.

“Sa aming mga direktor, sa production staff hanggang sa utility namin. Kumbaga, teamwork ito.”

MOST CHALLENGING ROLE. Inamin ng aktres sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na sa lahat ng roles na nagampanan na niya, ang karakter ni Amor Powers ang pinakamahirap at pinaka-challenging.

“Nahihirapan ako sa kanya—hindi ako ito.

“Very challenging talaga yung role ni Amor, marami siyang layers na kailangan na lahat makita.

“I would say na this role is the most challenging na nagawa ko sa sixteen years ko sa showbiz.”

A NEW LOVETEAM IS BORN. Bukod sa pagmamahalang Inah at Angelo, na ginagampanan nila Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, inaabangan din ng publiko ang kauuwian ng pagmamahalan nila Amor at Eduardo Buenavista, na ginagampanan ni Ian Veneracion.

Natatawang nagkuwento sa amin si Jodi na may pangalan na ang loveteam nila ni Ian.

Sabi niya, “Ay, siyempre natutuwa ako na kinagat ang 'Amorado'—Amor at Eduardo. Kung sino ang nagbigay? Kami-kami sa set.”

Sa huli ay nagpasalamat si Jodi sa Panginoon at sa publiko dahil sa consistent na high ratings ng serye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobrang nagpapasalamat kami, siyempre most especially sa Panginoon, sa blessing na binigay Niya sa amin.

“Siyempre, sa mga tumatangkilik ng Pangako sa 'Yo, sa mga di nagsasawang manoood gabi-gabi.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN