Angelu de Leon's birthday celebration doubles as thanksgiving party for close media friends

Angelu de Leon (shown with husband Wowie Rivera) explains why she threw a party for close media friends on her 36th birthday: "And sabi ko, with all my years, not just in showbiz, dahil hindi naman ako lumaki sa mundo ng hashtags, ng social media... sabi ko, kayo ang kinalakhan ko kasi. Kaya, I want to give honor, kaya kayo ang nandito, more than anyone, kasi ang kinalakhan ko talaga ay kayo—nung panahon ng mga magazines.''


Para sa Kapuso actress na si Angelu de Leon, ang celebration niya ng kanyang ika-36 birthday kagabi, August 22, ay isa na sa pinakamasaya sa kanyang buhay.

Ang simpleng party na ginanap sa kabubukas pa lang niyang café (ang Spice and Cleaver, na matatagpuan sa Estancia Mall, Capitol Commons sa Pasig City) ay dinaluhan ng kanyang pamilya at mga malalapit na kaibigan sa showbiz at entertainment media.

Ilan sa mga namataang showbiz celebs na bisita ay sina Gladys Reyes, Katrina Halili, Neil Sese, Mel Kimura, at Tess Bomb.

Nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos niyang istimahin ang mga bisita, nabanggit niyang marami siyang gustong ipagpasalamat sa kanyang personal na buhay at maging sa kanyang showbiz career.

Bungad ng Buena Familia star, "I just want to be thankful, like heto nga na nagbukas ako ng business, na sana ay ma-bless. Ang pinaghahawakan ko lang kasi ngayon ay ang faith, di ba?

"Yung nahanap ko si Jesus, my Lord, my Saviour, kasi sabi ko nga, wala naman akong ipagyayabang, kasi Siya talaga ang nag-ayos ng buhay ko, e.

"Para kasing pag inisip ko kung ano ang meron ako ngayon with everything that I've been through, I can't do it on my own.

"Like, I used to be strong, in the wrong way. I used to be strong, but full of pride.

"Ngayon siguro, my strength comes only from the Lord.

"I am only humbled more with what I have, 'cause I know it came from Him."

REMINISCING HIGHLIGHTS OF HER LIFE. Kung magbabalik-tanaw daw siya sa kanyang nakaraan, marami raw highlights sa kanyang buhay na hindi niya makakalimutan.

Halos pasigaw niyang sabi, "Marami!

"Sabi ko nga, they go like Star Wars—may trilogy, ang dami-daming nangyari sa buhay na...

"Di ba, pag inisip niyo, parang kung pinanood ninyo yung Inside Out, parang ang lesson kasi nun ay... with all your emotions, everything is needed.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

''Hindi puwedeng maging masaya ka lang. Hindi puwedeng malungkot ka lang. Hindi puwedeng disgusted ka lang. Hindi puwedeng may takot ka lang.

"Everything comes together.

"Pero ang pinaka-highlight talaga is when I had a relationship with God.

"Siguro nga, after eight years ko as Born-Again Christian, ngayon ko lang nari-realize ang relationship ko sa Kanya."

THANKFUL TO ENTERTAINMENT MEDIA. Isang dahilan din kung bakit nagpa-imbita siya ng malalapit sa kanyang press people ay dahil ito raw ang paraan ng kanyang pag-give back.

Marami raw taong nakisalamuha niya sa mga ito, lalung-lalo na noong ipinagtanggol nila ang aktres sa mga panahong may pinagdadaanan siya.

Paliwanag pa ni Angelu, "May nagtatanong nga sa akin kung bakit ako nagpa-party sa press.

"May pagkakataon kasi, na pag birthday mo, di ba, may significant kang mga tao na sila yung binibigyang pugay mo?

"And sabi ko, with all my years, not just in showbiz, dahil hindi naman ako lumaki sa mundo ng hashtags, ng social media... sabi ko, kayo ang kinalakhan ko kasi.

"Kaya, I want to give honor, kaya kayo ang nandito, more than anyone, kasi ang kinalakhan ko talaga ay kayo—nung panahon ng mga magazines.

"Ang dami ring pinaghirapan niyo, lalo na ngayon na ang laki ng kalaban niyo—ang kalaban niyo ay technology."

NUMBER ONE FAN. Nagpapasalamat din daw si Angelu dahil meron siyang asawang katulad ni Wowie Rivera, na punong-abala rin sa kanyang selebrasyon.

Aniya, "I think, ang pinakagusto ko sa relationship ko with my husband is because he's also my number one fan.

"I mean, it boosts my confidence, kasi parang na-appreciate niya ang talent ko.

"Hindi niya ako hinadlangan, kasi siya, gusto rin niya akong mapanood.

"Like noong isang araw, sinurprise nila ako sa taping ng Buena Familia, tapos nakita niya yung malalaking ilaw. Sabi niya, 'Nakaka-taping ka nang ganun kainit?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi yun yung ilang pangyayari na nakikita niya ang paghihirap ko, kaya naiintindihan niya ako."


BALANCING SHOWBIZ CAREER AND FAMILY LIFE. Sa muling pagiging aktibo sa kanyang showbiz career niya, hindi man lang daw hiniling ng kanyang asawa na pagtuunan na lang ni Angelu ang pagpapalaki sa kanilang apat na anak at mga negosyo nila.

Saad ni Angge (palayaw ni Angelu), "Hindi, siguro kasi, nakikita niya ang balanse.

"Pag nakikita niya siguro na napapabayaan ko na, dun siguro siya magrereklamo.

"Pag nagsasabi siyang, 'Ang sarap kasama ng anak mo, kasi ang dali niyang alagaan.'

"Siguro, dun ako natutuwa kasi alam ko, I'm doing something right.

"Siguro, walang pressure sa kanya na maging housewife lang ako, o maging mommy lang ako sa mga anak ko.

"Siguro, dahil nakikita niya that I strive for balance."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN