Kylie Padilla on Robin Padilla and his wife Mariel Rodriguez: “I just really pray na sana makagawa na sila ng baby and healthy.”

“Medyo malungkot pa,” ito ang sagot ni Kylie Padilla nang kinumusta sa kanya ang amang si Robin Padilla pagkatapos makunan muli ang asawa nitong si Mariel Rodriguez.


Ayon kay Kylie Padilla, hindi nila pinag-uusapan ng kanyang amang si Robin Padilla ang tungkol sa ikalawang miscarriage ng asawa nitong si Mariel Rodriguez.

Read: Mariel Rodriguez suffers miscarriage for the second time

“The last time I saw him, medyo malungkot pa,” sabi ni Kylie nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Kapuso Kadayawan Festival 2015, sa Davao City, nitong Linggo, August 23.

Kumusta na ngayon sina Robin at Mariel?

Medyo paiwas na sagot ni Kylie, “I can't really say anything about it, kasi ako rin malulungkot if I was in their place.”

Paano niya dinamayan ang kanyang ama sa pagsubok na pinagdadaanan nito?

Pahayag ng Kapuso actress, “I don't... I'm not good.

"Like I said before, I'm really not good with words kaya nagsusulat ako.

"So, I just gave him a big hug, and okay na siya, napangiti na siya."

Pagbibiro pa ni Kylie, “I'm really not [good with words], kaya ako nag-artista, kasi andun na sa script [ang sasabihin].”

Ano naman ang hangad niya ngayon para sa ama at sa asawa nito?

“Ayoko lang sana yung every time they try...”

Hindi tinapos ni Kylie ang kanyang pahayag tungkol sa pagsusumikap ng kanyang ama at ni Mariel na makabuo ng baby.

“I mean, a person can only take so much.

“I just really pray na sana makagawa na sila ng baby and healthy [siya].” dugtong ng Buena Familia star.

PROTECTIVE OF HER FAMILY. Sinabi rin ni Kylie na alam na ng kanyang inang si Liezl Sicangco ang nangyari kay Mariel, pero ayaw raw nitong makisawsaw pa sa buhay-pamilya ng dating asawa.

“It's none of her business na, e.

"Kung kakausapin niya [Liezl] kami, it's just about us [her kids], 'How are you?'”

Aminado si Kylie na hindi madali ang magmula sa pamilyang kilala sa showbiz, na madalas pag-usapan at mayroon laging nasasabi ang publiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I'm involved in my family, but I'm not involved in what people know about my family... kasi mababaliw talaga ako.

“I'm not really good at showbiz,” sabi ng 22-year-old actress.

Paano niya pinoprotektahan ang sarili sa mga ganung sitwasyon?

“If someone says something to me that would hurt my father, ipapakita ko talaga, tsaka magalit pa ako.

"Kaya nilalagyan ko ng wall kasi I'm very protective of my family.

"And if I hear something negative, I can't [let it overcome me]," sabi ni Kylie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN