Martin del Rosario on persistent gay rumor and alleged photo scandal: “Source of entertainment ko na lang 'yon.”

Martin del Rosario on gay rumor: "Kilala ko naman ang sarili ko. Waste of time kung dadamdamin mo, di ba? Parang walang point."


Kahit ilang beses nang nagsalita si Martin del Rosario tungkol sa gay rumor at diumano'y photo scandal niya, hindi pa rin siya tinatantanan ng mga ito.

Pero ayon sa Kapuso actor, natutunan niyang huwag na lang itong patulan.

Paliwanag niya, “Huwag mo nang patulan, kasi pag pinatulan mo, una, mai-stress ka.

"Tapos, pangalawa kasi, sayang talaga ang pagod ko.

"Kasi wala ka naman kailangang patunayan sa iba o approval ng iba.

“Pag lalo mo pa siyang pag-uusapan, lalo siyang lalaki pa.

"Tsaka mas marami pang maaapektuhan pag nagbanggit ka pa ng pangalan.

"Tahimik ka na lang.

“Tapos isang sagot. Kung ano ang totoo, sagutin mo.

"Tapos, after nun, huwag ka nang magsalita, huwag ka nang mag-react na sobrang emosyunal.

"Ako, ganun ako.

“Natutunan ko na pag di totoo, pasok dito [sa isang tenga], labas sa isang tenga.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Martin sa Kapuso Kadayawan Festival 2015, sa Davao City, noong Linggo, August 23.



SHRUGS IT OFF. Sa kabila ng tinuran ni Martin na mas lumalaki ang isyu kapag pinag-uusapan, lagi pa ring pinag-uusapan ang mga intriga tungkol sa kanya.

Inamin niyang kahit sa social media ay patuloy itong idinidikit sa kanya ng netizens.

Hindi pa ba siya napipikon?

“Naaaliw na lang talaga ako,” kalmadong sagot ni Martin.

“Pag nababasa ko yung ganyan, pag nakikita ko sa feeds ng Twitter, nagbabasa sa comments, may mag-aaway.

"Minsan talaga, source of entertainment ko na lang 'yon. Hindi ako nahi-hurt siguro.

“Once na idamay ang family ko [dun ako magagalit].

"Pero so far, ako lang naman ang tinitira.

“Kilala ko naman ang sarili ko.

"Waste of time kung dadamdamin mo, di ba? Parang walang point."

Hindi na rin daw pinapatulan ni Martin ang mga namba-bash sa kanya.

“Hindi ko binubura ang comments nila, kasi wala lang... nakakatawa lang.

"May nagre-reply pa dun sa mga namba-bash."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ng Buena Familia star, sa kabila ng hindi mamatay-matay na isyu sa kanya, hindi siya natatakot gumanap ng gay roles.

Gumanap siyang gay sa nagtapos nang teleseryeng Pari 'Koy at sa first episode ng drama anthology na Karelasyon.

Paliwanag niya, “Ayokong dahil sa tsismis na sinasabi, malilimitahan ako.

"Kaya nga gawa ako nang gawa ng gay roles pa, e, dahil ayokong malimitihan yung [craft] ko.

“Kung aarte ka, for me, challenging ito, kahit pa sabihin ng iba, 'Magaling kasi ano talaga siya, gay.'

"Parang ayokong malimitihan ang craft ko dahil lang sa sabi-sabi ng ibang tao.

“Ako yung talo dun kung ako pa yung mag-a-adjust for them, just because may mga sinasabi silang bagay na hindi totoo sa akin,” saad ni Martin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN