Edgar Allan Guzman not bothered by closeness of leading lady Julia Montes to Coco Martin

Edgar Allan Guzman on Coco Martin: “Sobrang taas ng respeto ko kay Coco and idol ko iyon. Kumbaga, noong paglipat ko dito sa ABS, siya yung tinitingala ko, siya yung sinusundan ko, yung steps na nagawa niya. Kumbaga, gusto kong maging isang Coco Martin balang-araw.”


Hindi raw iniisip ni Edgar Allan Guzman na makakaapekto sa binubuong loveteam nila ngayon ng Doble Kara co-star niyang si Julia Montes ang pagkaka-link ng aktres kay Coco Martin.

Sa ilalim ng produksiyon ng Dreamscape Entertainment Television, ang Doble Kara ang bagong panghapong teleserye ng ABS-CBN na magsisimulang umere ngayong Agosto 24.

Ayon kay Edgar, “Sa tingin ko, hindi naman [makakaapekto].

“Marami ring fans sina Julia at Coco, e, so may issues sa kanila.

“Siguro sa story na lang, sa project na lang yung isipin ng tao.

"Siguro, feeling ko, hindi naman makakaapekto kasi hindi pa naman umamin na sila... ano lang, parang close friends, special friends.

“So, para sa akin, hindi iyon makakaapekto,” sabi ni Edgar Allan, na mas kilala na ngayon bilang EA.

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si EA sa ginanap na premiere ng Doble Kara kagabi, Agosto 23, sa Trinoma Cinema 7.

Bukod kina EA at Julia, dumalo rin sa premiere ang iba pang cast members na sina Anjo Damiles, Mylene Dizon, Ariel Rivera, Carmina Villarroel, Allen Dizon, Gloria Sevilla, Patricia Javier, Alora Sasam, John Lapus, Avery Balasbas, Harvey Bautista, at Marco Pingol.

Naging special guest ni Julia sa naturang premiere night si Coco.

Ano ang masasabi ni EA dito?

Aniya, “We’re happy na nakapunta si Coco dito sa premiere night, not only to support Julia, but pati yung buong cast, yung teleserye, and of course ang Dreamscape.”

FRIENDS WITH COCO. Ayon pa kay EA, walang dapat maging isyu sa kanila ni Coco dahil magkaibigan sila.

“Magkaibigan kami ni Coco. Magkasama na kami before sa GMA, may grupo kaming Studs, di ba?

“After so many years, hindi pa kami nagkikita ulit, nagka-text lang kami and nagka-comment-an sa Instagram.

“So, I’m very happy na nagkita kami dito sa premiere night.

“Doon naman sa kung may isyu ba kami, wala, walang-wala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobrang taas ng respeto ko kay Coco and idol ko iyon.

“Kumbaga, noong paglipat ko dito sa ABS, siya yung tinitingala ko, siya yung sinusundan ko, yung steps na nagawa niya.

“Kumbaga, gusto kong maging isang Coco Martin balang-araw.”

Wish niya bang magkatrabaho ulit sila ni Coco in the future lalo na’t pareho na silang nasa ABS-CBN ngayon?

Sagot ni EA, “Oo naman, please, please.

“Lalo na sa Dreamscape, sana bigyan nila ako ng pagkakataon na makatrabaho si Coco.

“Kahit isang cameo lang sa teleserye niya, payag ako, basta makatrabaho ko lang siya ulit, makita ko at makausap ko ulit.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN