Sarah Geronimo on #TeamSarah shut out in The Voice Kids 2 grand finals: “Don’t be sad. Ganun talaga.”

Inamin ng The Voice Kidss host na si Luis Manzano na ikinalungkot ng coach na si Sarah Geronimo ang hindi pagpasok ng kanyang mga pambato sa grand finals, pero maayos na raw ito.


Nagpasalamat si Sarah Geronimo sa mga tagasuporta ng #TeamSarah sa kabila ng hindi pagpasok sa grand finals ng dalawa niyang pambato sa The Voice Kids Season 2—sina Zephanie Dimaranan at Kyle Echarri.

Mula sa teams nina Lea Salonga at Bamboo ang nakapasok sa Top 4 na maglalaban-laban sa grand finals ng The Voice Kids sa susunod na linggo.

Ito ay sina Reynan Dal-Anay at Esang Torres (#FamiLEA) at sina Sassa Dagdag at Elha Nympha (#KampKawayan).

Pinasalamatan din ng Popstar Princess ang kanyang mga pambato na sina Zephanie at Kyle sa pagiging inspirasyon ng mga ito.

Nagpahayag din si Sarah na sana manalo ang karapat-dapat sa grand finals ng nasabing reality-based singing competition for kids.

Salamat po sa sumusuporta sa #TeamSarah! Zephanie and Kyle, thank you for inspiring us. God bless you both. May the most deserving kid win!

— Sarah Geronimo (@JustSarahG) August 23, 2015

Isa namang fan ni Sarah ang nag-post ng maiksing video ni Sarah sa Instagram (@bimboyngbuhaymo), kung saan maririnig ang Popstar Princess na nagsabi ng “Don’t be sad. Ganun talaga” sa kinahinatnan ng #TeamSarah ngayong season.

Ito ang unang pagkakataong walang nakapasok na contestant mula sa Team Sarah sa nakalipas na seasons ng The Voice—mapa-kids edition man o regular edition.

Nagmula sa #TeamSarah ang The Voice Season 2 grand winner na si Jason Dy, at pasok ang dalawa niyang pambato sa The Voice Kids Season 1—ang grand winner na si Lyca Gairanod at si Darren Espanto.

Samantala, tiniyak naman ni Luis Manzano, host ng The Voice, na kahit nalungkot si Sarah sa hindi pagkakapasok ng kanyang mga pabato,maayos ang kalagayan nito ngayon; maging sina Kyle at Zephanie.

Siyempre po, alangan naman nagtatatalon siya sa tuwa na walang nakapasok sa team niya 😳 https://t.co/WyvCfQRGZU

— Luis Manzano (@luckymanzano) August 23, 2015

Yup, she is fine and the kids left smiling and laughing 👍🏻👍🏻 https://t.co/olgLaSWXVy

— Luis Manzano (@luckymanzano) August 23, 2015

Samantala, inamin ni Lea na sobra siyang na-shock nang malamang walang nakapasok na contestant mula sa Team Sarah.

@nicabaldono Shock. Total shock. I had to hug her once we knew what the results were.

— Lea Salonga (@MsLeaSalonga) August 23, 2015

Hiniling din ni Lea sa Popsters na suportahan si Sarah.

Dear Popsters, please send @JustSarahG messages of love and support. I'm sure she'll appreciate it. Thank you.

— Lea Salonga (@MsLeaSalonga) August 23, 2015


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN