Kris Aquino hints at Vice Ganda's romantic history with "Mr. Chinatown"

Kris Aquino to Vice Ganda: “Hindi ba nag-food trip na tayo diyan with Karla [Estrada], kasama si Mr. Chinatown nung in love ka pa kay Mr. Chinatown?”


Ibinisto ni Kris Aquino na minsan nang nahulog ang loob ng kaibigan niyang si Vice Ganda sa isang lalaking tinagurian niyang “Mr. Chinatown.”

Base ito sa pag-uusap ng dalawa sa "AdVice Ganda" segment ng It’s Showtime, Lunes ng tanghali, August 24.

Tinawagan ni Vice si Kris upang ipaabot ang hiling ng isang audience member na personal na makaharap ang iniidolo nitong Queen of All Media.

Agad namang pumayag si Kris at nagbanggit pa ng lugar kung saan sila puwedeng magkita ni Vice at ng naturang audience member.

Sabi ni Kris kay Vice patungkol sa isang restaurant sa Quezon City: "Hindi ba, nag-food trip na tayo diyan with Karla [Estrada], kasama si Mr. Chinatown, nung in love ka pa kay Mr. Chinatown?”

Halatang nabigla si Vice sa tinuran ng actress-TV host, lalo pa’t hindi kaila sa publiko ang pagiging mailap ng una tungkol sa kanyang lovelife.

Buwelta ni Vice kay Kris: "Ewan ko sa iyo! Bababaan kita ng telepono. Nakakaloka ka!"



VICE GANDA'S MR. CHINATOWN? Hindi man direktang pinangalanan ang lalaking naugnay kay Vice noon, minsan nang naugnay ang comedian-TV host sa Mr. Chinatown 2014 winner na si Kurt Ong.

Nauna nang ibinuking ni Coco Martin na isang lalaking “Chinese-Chinese” na galing sa isang “pageant” ang nagbibigay-kulay sa lovelife ni Vice.

Sa April 4 episode ng Gandang Gabi Vice, inihayag ni Coco na nagmistulang “manager” si Vice dahil ito mismo ang naghahanap ng booking upang makapasok sa soap opera ang hindi pinangalanang Chinese guy.

Pambibisto pa ni Coco, “Actually, hindi na kailangan mahal sa talent fee, siya na ang nagbibigay, ‘O, sige na, mag-taping ka na.’

“Tapos ang gagawin niya, siya ang tatawag sa mga talent coordinator para sabihin, ‘Baka meron naman diyan na role na mga Chinese-Chinese.'"

Gayunman, todo-iwas si Vice sa isyu at umastang hindi maka-relate sa sinasabi ni Coco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Coco Martin gives clues on Vice Ganda's current lovelife

Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), tumanggi rin si Vice na “pag-usapan ang katsipan” na isyu tungkol sa kanyang lovelife.

Read: Vice Ganda on rumor linking him to Mr. Chinatown winner: "Ayokong pag-uusapan ang lovelife ko, nakaka-teen star!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN