PBB 737 ex-housemate Kamille Filoteo on child custody dispute with ex-boyfriend: “Inaayos pa namin lahat ng problema.”

According to PBB 737 teen ex-housemate Kamille Filoteo, she has not spoken to her ex-boyfriend and father of her three-year-old child after their breakup. Kamilee said that they are currently resolving their problem.


Ayaw munang magsalita ng Pinoy Big Brother 737 teen ex-housemate na si Kamille Filoteo tungkol sa isyu sa pagitan nila ng kanyang ex-boyfriend at ama ng three-year-old son niya.

Matatandaang paglabas ni Kamille mula sa PBB house, lumabas ang balitang nakipag-break na siya sa boyfriend na si Justin Eugenio.

Pagkatapos nito ay may naglabasan ding isyu na ayaw na raw niyang ipakita sa ex-boyfriend ang kanilang anak.

Nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kamille sa screening ng All of Me kahapon, August 24, sa Cinema 7 ng SM Megamall, tumanggi itong pag-usapan ang tungkol sa isyu.

Aniya, “Ayoko muna siyang sagutin, inaayos pa namin lahat ng problema. Gusto ko sa ‘min muna.”

Pero ayon sa 18-year-old ex-housemate, huli silang nagkausap ng kanyang ex-boyfriend noong breakup pa nila.

“Okay naman kami, pero hindi na kami magkausap.

“Last naming magkausap is noong nakipag-break ako sa kanya.”



ON KENZO GUTIERREZ. Sa loob naman ng PBB house, nagkagusto kay Kamille ang kapwa housemate na si Kenzo Gutierrez.

Inamin ni Kamille na na-confuse siya noon sa nararamdaman niya, dahil nang mangyari ito sa loob ng Bahay ni Kuya ay sila pa ng kanyang boyfriend noon.

Read: Kenzo Gutierrez of PBB 737 admits crush on Kamille Filoteo

Kumusta na sila ng 18-year-old co-housemate niya?

Natatawang sagot ng tinaguriang 'Teen Mama ng Manila': “Oh, my God! Getting to know each other, we’re good friends.”

Dagdag niya, “Ayun, magkausap kami...

"Siyempre fresh pa sa ‘min yung mga nangyari, so di muna namin minamadali yung isa’t isa, kasi mahirap pag ganun, e.”



ENTERING SHOWBIZ. Karamihan sa mga sumasali sa PBB ay pumapasok din sa pag-artista.

Kung may offer daw kay Kamille na gumawa ng teleserye ay hindi niya ito tatanggihan.

“Sure, oo naman siyempre, opportunity na yun. Siyempre huwag nating sasayangin yun, di ba?”

Ano namang klaseng projects ang gusto niyang gawin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung mga loveteam, gusto ko 'yan.

“Tapos kontrabida... ‘yan [ang] mga gusto ko, 'tsaka comedy.”

Gusto rin daw niyang makatrabaho sina Coco Martin at Maja Salvador.

Subalit nang tanungin kung sinong gusto niyang ka-loveteam, natatawa niyang sagot: “Siyempre si Kenzo! Kami, kaming dalawa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN