Angelu de Leon opens up about the dads of her daughters, financial support

Angelu de Leon on her daughters: “All I can do for them is just to make them feel valuable. Hindi porke ayaw kayo ng tatay ninyo or ayaw kayong kitain ng tatay ninyo, wala kayong kuwenta sa buhay.”


Maayos na ngayon ang pakikitungo sa isa't isa ni Angelu de Leon at ng dati niyang boyfriend na si Joko Diaz.

Si Joko—action star noong mid-‘90s at anak ng yumaong character actor na si Paquito Diaz—ang ama ng panganay na anak ni Angelu na si Nicole.

Ayon sa aktres, “Nag-start ito siguro mga three years ago, noong medyo marunong na si Nicole na makipag-communicate, makipag-usap sa phone.”

Regular na bang nagbibigay ng financial support si Joko sa kanilang anak?

“Hindi regular... minsan on and off. Pag birthday [ni Nicole]

"Ang ano ko lang naman sa kanya, kung meron siya, magbigay siya, which is I’m very thankful naman kay Joko."

Kumusta sila ni Joko?

Sagot ni Angelu, “Civil, I guess.

"Masaya ako kahit paano, wala kaming away na yung parang pag nagkita, mag-iiwasan.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angelu sa birthday dinner treat nito sa ilang mga kaibigan sa showbiz at entertainment press, noong Sabado, August 22, sa Spice & Cleaver Resto, Pasig City.

NO EXPLANATION NEEDED. Wala na raw ipaliliwanag si Angelu kay Nicole at sa pangalawa niyang anak na si Louise, love child ng aktres sa businessman na si Jojo Manlongat.

“Hindi sila nagtatanong tungkol sa sitwasyon nila.

"Kasi, ever since naman, alam na nila. I never hid anything from them.

"Alam nilang magkaiba ang tatay nila. Alam nila yung mga pinagdaanan ko.

“It’s just that noong time na mas visible si Joko, nagtatanong yung isa [Louise] kung nasaan yung daddy niya.

“Pero noong mas bata naman sila, mas visible yung pangalawa [Jojo] kaysa kay Joko. So, ganun.

"Yun naman ang mahirap, kasi mahirap balansehin.

"Hindi sila puwedeng sabay na nandiyan."

Hanggang ngayon, ayaw pa ring ipahiram nang matagal ni Angelu ang kanyang dalawang anak sa mga ama nito.

Sabi niya, “Ang deal ko, ever since noong mga bata pa sila, puwedeng pumunta, puwedeng dalawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, mas puwedeng pumunta kaysa dalawin.

“Pero hindi ako pumapayag ng sleepover up to now. Kumbaga, day trip, okay lang.

“Natatakot lang ako na baka iba yung patakaran ko sa bahay, sa patakaran nila sa bahay nila.

"Ayokong magkaroon ng confusion na, ‘Bakit si Daddy puwede sa ganito, bakit si Daddy ganyan-ganyan?’

"Yun lang ang iniiwasan ko."

Inamin ni Angelu na hindi raw nakikita ni Louise ang ama nitong si Jojo.

“Yun actually ang pinakamatagal na hindi sila nagkikita o wala silang communication… siguro mga eleven years na.

“But Louise knows about the dad. Parang ex com [communicado] na yung dad, walang communication.

"So, okey lang.

“Yun lang ang nahihirapan akong i-explain, kasi parang wala akong chance na sabihin na palitawin ang tatay niya or ganun.

"Doon ako nahihirapan.

"Siguro naiintindihan naman niya [Louise]."



ABSENTEE DAD. Ayon kay Angelu, walang ibinibigay na financial support si Jojo kay Louise.

Hindi rin daw ito nagpapakita o nagpapadala ng regalo tuwing Pasko at kaarawan ng anak.

Sabi pa ni Angelu, “Nagkikita kami sa gimikan, hi-hello lang.”

Hindi ba nagagalit si Angelu kapag nagkikita sila ni Jojo?

“Parang siguro ikabuwisit ko pa, siguro intindihin na lang kita.

“Kumbaga, ever since naman, lagi kong sinasabi to my kids na hindi ko sila puwedeng ipilit sa taong hindi sila gusto.

“Kasi, parang all I can do for them is just to make them feel valuable.

"Hindi porke't ayaw kayo ng tatay ninyo or ayaw kayong kitain ng tatay ninyo, wala kayong kuwenta sa buhay.”

Wala bang napapansing hang-ups si Angelu sa dalawang anak niyang babae dahil sa sitwasyon nila sa kanilang mga ama?

Saad niya, “Kasi kung nagkaroon man, na-resolve na.

“Ganito kasi yun, e, with the technology ngayon, imposibleng hindi ka magparamdam, e.

"Choice mo na lang yun kung ayaw mong magparamdam.

“Ang dami... imposibleng hindi ka na nga mahanap ngayon, e—unless ayaw mong magpahanap.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Balewala ba kay Angelu kahit hindi suportahan ng kani-kanilang tatay ang mga anak niya dahil mayaman siya?

Balitang nakapagmana ng malaking pera at ilang property si Angelu mula sa kanyang lolo at lola, ang mga may-ari ng nabuwag nang LVN Pictures noong ‘50s at ‘60s.

Reaksiyon dito ni Angelu, “Wow, sana!

"Pero siguro kasi alam ko ang worth ko, ang halaga ko bilang tao.

“Siguro masyado lang akong maintindihin.

"Iniintindi ko na lang yung sitwasyon nung taong nakasakit sa akin or yung nakagawa ng masama.

“Kasi, kung hindi rin, ikababaliw ko siguro.

“I value myself that much.

"Kung hindi nila kayang i-provide, I know God will provide."

Sa ngayon ay masaya na si Angelu sa piling ng kanyang mister at ama ng ikatlo t nag-iisang lalaking anak ng aktres—si Wowie Rivera.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN