Thea Tolentino grateful to Willie Revillame for her first car

Ayon kay Thea Tolentino, mangiyak-ngiyak siya noong nag-alok ang Wowowin host na si Willie Revillame na sagutin ang kalahati ng pambayad niya sa bibilhing kotse. Labis daw ang kaligayahan ng Kapuso young actress na nakabili na siya ng sasakyan dahil hindi na siya mahihirapang mag-commute papuntang taping.


Natupad na ang pangarap ni Thea Tolentino na magkaroon ng sariling sasakyan.

Kamakailan lamang, nakabili na ang Kapuso young star ng second-hand Montero Sport at fully paid na raw ito.

Malaking tulong sa 19-year-old actress ang naibigay na P300,000 sa kanya ng Wowowin host na si Willie Revillame.

Matatandaang sa second episode ng Wowowin noong May 17, naging panauhin si Thea at ang co-star niya sa The Half Sisters na si Barbie Forteza.

Sina Thea at Barbie ang pumasok sa jackpot round ng “Cash Bukas”, kung saan tinanong ni Willie ang dalawa kung paano nila hahatiin ang premyong house and lot, isang milyong piso, at kotse sakaling manalo.

Sinabi ni Barbie na kay Thea niya ibibigay ang kotse dahil wala pa itong sasakyan.

Naawa naman ang TV host kay Thea kaya nangako itong siya ang magbibigay ng pang-downpayment sa gusto nitong bilbilhing kotse.

Saad ni Thea, “Na-teary-eyed ako. Kasi, mahirap din kasing walang kotse, e.

"After noong sinabi ni Kuya [Willie], ang dami ko nang naisip.

“Nag-look forward na ako na mapupuntahan ko na ang mga ganitong place, ganyan-ganyan.

“Siyempre, thankful ako na nag-offer si Kuya Willie.”

Pero hindi pa raw nagagamit masyado ni Thea ang bagong sasakyan dahil wala pa siyang nahanap na driver at kailangan pa rin niyang mag-aral mag-drive.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Thea sa birthday charity nito, tanghali ng Martes, August 25, sa White Cross Children’s Home, sa San Juan City.

THE HALF SISTERS EXTENDED. Samantala, extended ng halos apat na buwan ang panghapong seryeng kinabibilangan ni Thea—ang The Half Sisters.

June 2014 ito nagsimulang umere at pagkatapos ng isang taon, extended pa ang show hanggang Oktubre.

Sabi ng Protégé winner, “Siyempre masaya dahil hindi talaga namin ini-expect na magtagal pa kami.

“Tapos pumasok pa si Miss Cherie, tapos bumait na rin si Ashley... mabait na siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Cherie Gil ang bagong karakter na napapanood sa show; Ashley naman ang pangalan ng karakter na ginagampanan niya.

Sabi pa ni Thea, “Lahat kami ay nag-aabang na kung ano ang susunod na mangyayari.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN