Angelica Panganiban lashes out at bashers for pitting her against Bea Alonzo

Angelica Panganiban lashes out at bashers on Instagram for insinuating that there is a rift between her and fellow ABS-CBN star Bea Alonzo. She says, "Malayong-malayo ho si Bea sa akin. Siya ang reyna ng ABS-CBN. Chuwariwap lang ako. Okay na po ba? Malinaw na? Para lang 'to sa mga makikitid ang utak, uulitin ko. At uulitin ko, wala akong pakialam sa image ko o sa tingin niyo sa kin."


Sinagot ng Pangako Sa 'Yo star na si Angelica Panganiban ang ilan sa kanyang bashers kahapon, August 25, matapos maisyu na pinariringgan diumano niya ang kapwa-Kapamilya star na si Bea Alonzo.

Unang in-upload ni Angelica ang isang litrato kung saan naglalakad siya sa gitna ng kalsada at nagkukunwaring nagbabakasyon sa ibang bansa.

Kalakip ng litrato ang caption na: "Dahil puro trabaho at walang bakasyon.... Kunwari na lang nasa ibang bansa ako...

"At makiki uso ako sa mga pictorial nila kapag out of the country sila, may posing dapat na nag lalakad.

"Later na yung tumatawa kunwari tapos nakunan ng camera.

"Kunwari stolen happiness 😆"

Sunod na in-upload ni Angelica ang larawan na kinunan ng kanyang kaibigan habang nasa loob sila ng isang clothing store, kung saan makikitang tumatawa ang aktres.

Ang caption naman ng litrato: "Sabi ko sa friend ko, picturan nya ko.

"Eh bigla akong natawa. Naisip ko, ayos lang. Post ko na din.

"At least d ako may hawak ng phone ko habang tumatawa 😂 whoooh yes!

"Ang saya mag picture! Nakakatawa!!!

"Yan ang tawag sa stolen happiness 😆 hehehehe.

"Nakakabaliw talaga ang pagod at puyat.

"Mag iisip pa ko mamaya ng mga uso sa instagram.

"Para in na in ako! 😂 #NowInHawaii"

RIFT WITH BEA? Agad namang inakala ng ilan sa Instagram followers ni Angelica na pinariringgan nito si Bea dahil nag-post din ang aktres ng ilang litrato niya habang nagbabakasyon sila ng kanyang boyfriend na si Zanjoe Marudo sa Bohol.

Makikita rin sa isa sa mga litrato ng One More Chance actress na tumatawa ito habang kinukunan ang sarili.

Hindi napigilan ni Angelica na sagutin ang IG followers na ito at maglabas ng kanyang sama ng loob.

Nilinaw ni Angelica sa isang comment na hindi niya nakikita ang mga post ng ibang artista na katulad ng kanyang litrato, at tahasang itinangging pinariringgan niya si Bea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin napigilan ng aktres ang kanyang sarili na magmura.

"Nakakaloka mga tao! Sarap nyong murahin!

"Tinatamaan kayo sa caption ko? Eh mga bobo pala kayo eh.

"Ni hindi ko nga nakikita mga posts ng ibang artista na ganyan!

"Pakelam ko kung may ganyan si bea? Sa huling pagkakaalam ko, kaibigan ko siya.

"Mga gago kayong madudumi ang utak na gustong gusto nyong may kaaway mga tao.

"Kaya ang baduy ng ugali nyo eh. Paka cheap. Leche. Whew! Oo! Papatol talaga ako.

"Grabe eh! Kikitid ng utak! Nakikitawa na nga lng kayo, maninira pa kayo.

"Woooh! Ta***na talaga! So mga idol nyo lang pwedeng gumawa nyan?!

"Ta***na. Gago! Bobo!"

Dagdag pa ni Angelica: "ta***na! Na inip lng ako, kung ano ano na comments niyo?! Mga peste kayo!"


STILL FRIENDS WITH BEA. Ni-repost din ni Angelica sa kanyang Instagram ang litrato ni Bea na tinutukoy umano ng fans nito na dahilan ng pagpaparinig diumano ng una.


Ah! Eto pala yung picture! Pasensya na sa mga fans ni bei. Sa mga malalawak ang isip, pasensya na. At salamat. Sa mga makikipot, sana wag kayong mga praning. Malala na kayo. Sa mga nagsasabing gusto ko magpasikat kaya ko siya "pinaparinggan" wala akong planong sumikat. Ni minsan d ko pinangarap na sumikat. Ang gusto ko lang mag trabaho. Ayoko ng sikat, ayoko ng hinahabol habol. Gets? Sa pagkaka alam ko, kaibigan ko si bea. Yun ang tingin ko sa kanya. Anyway. Napaka baduy na nitong pag papaliwanag na to nang dahil lang sa gusto ko lang mag post ng kakulitan ko. If you guys can't get my sense of humor, then stop following me. Malayong malayo ho si bea sa akin. Siya ang reyna ng abscbn. Chuwariwap lang ako. Okay na po ba? Malinaw na? Para lang to sa mga makikitid ang utak uulitin ko. At uulitin ko, wala akong pakelam sa image ko o sa tingin nyo sakin. Pag may d ako gustong tao, sasabihin ko. Ikkwento ko pa kung bakit. Pero pag may kaibigan akong, pinaglalaruan niyo kami at parang sinisira nyo kami. Mag sasalita ako. Salamat.

A photo posted by Angelica Panganiban (@iamangelicap) onAug 25, 2015 at 7:15am PDT

Sa caption ng litrato, nag-iwan si Angelica ng mensahe sa kanyang bashers at muling nilinaw na hindi siya nagpaparinig o nagpapasikat.

Sabi ng Banana Split star: "Ah! Eto pala yung picture! Pasensya na sa mga fans ni bei.

"Sa mga malalawak ang isip, pasensya na. At salamat.

"Sa mga makikipot, sana wag kayong mga praning. Malala na kayo.

"Sa mga nagsasabing gusto ko magpasikat kaya ko siya 'pinaparinggan' wala akong planong sumikat.

"Ni minsan d ko pinangarap na sumikat. Ang gusto ko lang mag trabaho.

"Ayoko ng sikat, ayoko ng hinahabol habol. Gets?"

Diin pa ni Angelica, kaibigan ang tingin niya kay Bea kaya naman pinili nitong linawin at ipaliwanag ang pinag-ugatan ng isyu.

Sabi pa ni Angelica: "Sa pagkaka alam ko, kaibigan ko si bea. Yun ang tingin ko sa kanya.

"Anyway. Napaka baduy na nitong pag papaliwanag na to nang dahil lang sa gusto ko lang mag post ng kakulitan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"If you guys can't get my sense of humor, then stop following me.

"Malayong malayo ho si bea sa akin. Siya ang reyna ng abscbn. Chuwariwap lang ako.

"Okay na po ba? Malinaw na? Para lang to sa mga makikitid ang utak uulitin ko.

"At uulitin ko, wala akong pakelam sa image ko o sa tingin nyo sakin.

"Pag may d ako gustong tao, sasabihin ko. Ikkwento ko pa kung bakit.

"Pero pag may kaibigan akong, pinaglalaruan niyo kami at parang sinisira nyo kami. Mag sasalita ako. Salamat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN