Gladys Reyes defends choice of non-INC members Dennis Trillo and Bela Padilla as lead stars in Felix Manalo

Gladys Reyes stands by INC leadership amidst controversy: "May kanya-kanyang opinyon, entitled naman sila dun, pero natutuwa pa rin ako na namayani pa rin yung respeto. Yun naman ang nakakatuwa sa pangyayaring ito. Kasi, aminin natin, hindi lang naman INC ang dumadaan sa mga pagsubok, 'di ba? Lahat tayo may pinagdadaanan."


Hindi isyu kay Gladys Reyes na hindi nila kasapi ang gumanap sa papel ng founder at kauna-unahang executive minister ng Iglesia Ni Cristo na si Felix Manalo at ng asawa nitong si Honorata sa pelikulang handog ng Viva Films na may parehong titulo.

Si Dennis Trillo, na isang Katoliko, ang gumanap sa role ni Ka Felix; samantalang si Bela Padilla, na isa namang miyembro ng Jehovah's Witness, ang gumanap bilang asawa nito.

Si Gladys, na miyembro ng INC, naman ay gumaganap bilang pangalawang anak ni Ka Felix sa pelikulang palabas na sa October 7.

Aniya, "Wala namang ganun na kailangang ang lead roles, sa aming mga kapatid mapunta.

"Siguro ibinagay naman kung sino talaga ang babagay.

“Pero siniguro naman na meron ding mahahalagang papel ang ibang miyembro namin.

"Katulad nga namin ni Christopher [Roxas, asawa ni Gladys], and also Antonio Aquitania, Snooky [Serna], si Richard Quan, si Ruru Madrid.

"Lahat sila INC members, nabigyan naman kami ng importansiya sa pelikula, kaya masaya na rin kami."

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gladys sa 36th birthday celebration ni Angelu de Leon noong August 22.



NO PROBLEM. Ayon kay Gladys, tanggap nila ang pagiging lead stars nina Dennis at Bela sa Felix Manalo.

"Unang-una, kung mapapansin niyo yung features ni Dennis, parang hindi talaga nalalayo kay Ka Felix, e.

“Magaling siyang artista, kahit hindi siya kaanib, nag-immersion siya, ipinaunawa sa kanya ang gagampanan niyang papel.

“Kaya I don't think na kailangang intrigahin pa kung hindi INC members ang mga lead sa movie ni Direk Joel [Lamangan].”

Ano naman ang masasabi niya kay Bela, bilang si Honorata?

Saad ng MTRCB board member, "Si Bela, isinapuso din niya ang character.

"Yun nga ang maganda rito, dahil napagsama-sama rin ang mula sa iba't ibang relihiyon, na parang iisa lamang kami.

"Historical ito sa amin, nakakatuwa na napapayag din sina Bela at Dennis... kahit iba ang kanilang pinaggagalingang relihiyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta iisa lang ang ating Diyos na sinasamba, walang problema rito."

IN GOOD FAITH. Sa tingin ba niya, maaapektuhan ang tagumpay ng pelikula sa naging kontrobersiya sa pamunuan ng Iglesia Ni Cristo?

Pahayag ni Gladys, "Ano naman, nakita naman natin na kahit papaano ay nagkaroon ito ng malaking impact, di ba?

"May kanya-kanyang opinyon, entitled naman sila dun, pero natutuwa pa rin ako na namayani pa rin yung respeto.

"Yun naman ang nakakatuwa sa pangyayaring ito.

"Kasi, aminin natin, hindi lang naman INC ang dumadaan sa mga pagsubok, 'di ba?

"Lahat tayo may pinagdadaanan.

"Pero ang sa akin nga, ang pinakasasandalan mo lang diyan ay siyempre prayers.

"Ang Diyos naman, hindi papayag na hindi maayos ang anumang pinagdadaanan sa ngayon.

“Lalo na't in good faith naman ang paglilingkod ng ibang mga kapatid natin sa Iglesia."



RIGHT REASON. Naniniwala si Gladys na ginawa ang biopic na ito ni Ka Felix sa tamang dahilan.

Aniya, "Hindi ito ginawa para kumita ang INC o para humikayat sa ibang tao na lumipat sa aming rehiliyon.

"Inilalahad lang namin kung paano nagsimula, kung sino ang nagsimula, at kung paano pinalaganap ang doctrine ng Iglesia.

"Ito lamang, kaya marami-rami ring karakter ang mapananood niyo sa pelikula, mahaba ang naging paglalakbay ni Ka Felix.

"Kaya sana marami talaga ang makapanood, hindi lamang yung mga kapatid namin sa Iglesia, para inspirasyon na rin nila.

"Sa amin, kahit kapag nag-i-invite kami na maging kasapi, walang pilitan dito.

"Kumbaga, makinig sila, pero sa huli, sila rin ang magpapasya.

"Parang katulad sa movie na ito, walang pilitan.

"Pero kung may ibang hindi kapatid na gusto itong mapanood, siyempre welcome ang lahat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN