Boobay says friend Marian Rivera compels him to be real: “Kung sino ka, iyon ang ibibigay mo sa kanya, kasi iyon ang ibinibigay niya sa iyo."

Comedian Boobay is the voice of the mythic dog Fulgoso in the current remake of Marimar, the interesting part is, “Beki si Fulgoso dito, so nag-evolve na siya nang bonggang-bongga! Mag-i-inject lang tayo ng Boobay factor na energy dun sa aso para maging mas lively yung pagiging beki niya.”


Masayang-masaya si Boobay na parte siya sa remake ng teleseryeng nagpasikat noon sa best friend niyang si Marian Rivera bilang Marimar noong 2007.

Si Boobay ang "boses" ng asong si Fulgoso, ang matalik na kaibigan ni Marimar na ginagampanan naman ngayon ni Megan Young.

Ayon sa Kapuso comedian, “Siyempre, sobrang honored po ako na mapasama [sa Marimar].

“Actually, kinuwento ko sa kanya [Marian], sabi ko, ‘My labs, ano, ako si Fulgoso!’

“Sabi niya, ‘Ha?! Bakla!!! Ikaw?!! Bakit, ano mangyayari sa kanya?’

“Sabi ko, ‘Bakla siya!’

“Happy naman siya nang bonggang-bongga kasi, ayun nga, binigyan ako ng opportunity na makapagbigay ng aliw.

“This time, hindi visual na nakikita ako ng mga televiewers.

"Subukan naman natin yung boses yung gamitin natin para makapag-entertain ng mga tao.”



BESTIE. Tinanong ng PEP si Boobay kung paano sila naging best friend si Marian.

Tugon niya, “Mapipilitan kang magpakatotoo sa harapan niya talaga, walang hesitation, magiging ano ka talaga.

“Yung kung sino ka, iyon ang ibibigay mo sa kanya, kasi iyon ang ibinibigay niya sa iyo.

“Pag naramdaman niyang totoo ka sa kanya, sa ipinapakita mo, walang kaplastikan whatsoever... kasi ayaw na ayaw niya yun.

“Nung una nga kaming mag-meet, parang ano pa ako, yung medyo aloof na, 'Ano ba ang gagawin ko?'”

Sa Extra Challenge daw sila nagsimulang maging close ng Kapuso Primetime Queen.

“Ipinaramdam naman niya sa akin na, ‘Open up! I-embrace ko 'yan kahit sino ka. Kahit anong estado mo, kahit ano ka pa man.’

"So, ayun."

THE VOICE OF FULGOSO. “Na-excite po ako nung nalaman ko,” pahayag ni Boobay tungkol sa pagboboses niya bilang Fulgoso.

“Una nga, hindi ako naniniwala.

"Kasi, sabi ko, hangga’t hindi nagre-recording, baka hindi pa tuloy, ganyan.

“So, hindi ko pa sinasabi sa mga friends ko.

"E, lumabas na po sa Internet tapos sa diyaryo.

“So, sabi ko, ‘A, mukhang tuloy nga, Lord!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Last week nag-recording na po ako, nag-dubbing na po ako para sa first week ng Marimar.

“And siyempre happy, kasi una sa lahat, si Fulgoso, iconic dog yun, kumbaga.”

At sa pagkakataong ito, si Fulgoso ay isang asong bading!

“Beki si Fulgoso dito, so nag-evolve na siya nang bonggang-bongga!

“Mag-i-inject lang tayo ng Boobay factor na energy dun sa aso.

"Para maging mas lively yung pagiging beki niya.

“Dati, di ba, si Fulgoso, si Michael V ang gumanap.

"Ito ngayon, iibahin talaga, as in super-energetic.

“Dati, serious siya, ito ngayon iba.

"May mga kung anu-anong palusot, pakuwela itong bagong Fulgoso. Pabebe!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN