TV5 reportedly undergoing 'major retrenchment'; offers special voluntary separation program to employees

Ayon sa nakalap na impormasyon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), isasara na raw ang ilang departamento ng TV5, kabilang na ang entertainment department, sa mga susunod na buwan. Kaya naman nag-aalok na raw ang istasyon ng separation package sa maraming empleyadong maaapektuhan ng hakbang na ito.


Usap-usapang may malalaking pagbabago diumanong magaganap sa bakuran ng TV5 sa mga susunod na araw.

Nakaabot sa kaalaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na may tensiyon diumano ngayon sa pagitan ng management, talents, at ilang regular employees ng Kapatid network dahil sa mga pagbabagong ito.

Ngayong araw, August 26, may ilang sources na nakausap ang PEP at nagbigay ng impormasyon tungkol dito.

Ayon sa unang source ng PEP, nangyari ang pormal na announcement ng hakbang na ito ng pamunuan ng TV5 kahapon, August 25.

Dagdag naman ng pangalawang source, maraming mawawalan ng trabaho dahil idi-dissolve na raw ang ilang departamento, kabilang na ang entertainment department ng TV5.

Mensahe ng PEP source na ito sa pamamagitan ng text: “TV5 dissolves CSD (On air promo), Research, PR and Entertainment Departments. Cancels 2 new shows (KisPinoy and Misterless Misis).”

Tila may katotohanan ngang kakanselahin na ang bagong dramedy na Misterless Misis dahil hindi ito umere noong Linggo, August 23.

Ito pa lang sana ang ikatlong episode ng weekly show na pinagbibidahan nina Lorna Tolentino, Ruffa Gutierrez, Ritz Azul, Mitch Valdes, Andie Gomez, at Gelli de Belen.

Kahapon, naglabas ng statement ang TV5 Corporate Communications, sa pamamagitan ng Twitter, tungkol sa hindi pag-ere ng Misterless Misis:

OFFICIAL STATEMENT ON MISTERLESS MISIS pic.twitter.com/eXOta6rFol

— TV5 Corporate PR (@TV5corpPR) August 25, 2015

CONSIDERED RESIGNED? Sa patuloy na pag-iimbestiga ng PEP, napag-alaman namin mula sa ikatlong source na “considered resigned” na ang ilang namumuno sa entertainment department ng TV5 simula sa September 7.

Base sa Instagram posts ng vice president for entertainment ng TV5 na si Ms. Margie Natividad, mukhang may katotohanan nga ito dahil sa kanyang hashtags na may countdown na "#___daystogo."

@happytruckngbayantv5 taping! Its our 11th episode! #wagas #ilovemyjob #iwillalwaysbeaproducer #16daystogo

A photo posted by margiecnatividad (@margiecnatividad) onAug 21, 2015 at 9:23pm PDT

If these walls could talk. #1sttimeinaverylongtime to leave the office without anyone to say goodbye to. 🎈 #13daystogo

A photo posted by margiecnatividad (@margiecnatividad) onAug 25, 2015 at 6:39am PDT

Ayon naman sa ika-apat na source ng PEP, “Ang alam lang namin na balita, by September or October, parang mawawala na yung entertainment [department] ng TV5, at magiging digital na, parang ganun.”

Bukod kay Natividad at ilang business unit heads at program managers, kabilang din daw sa mawawala na sa TV5 ang chief entertainment content officer na si Ms. Wilma Galvante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng unang source, “Buy out daw contract ni Wilma, instead of January 2016, September na lang.”

Ayon naman sa ikalawang source, naka-leave na raw ngayon si Ma'am Wilma.

VOLUNTARY SEPARATION PACKAGE. Upang kumpirmahin ang mga nakalap naming impormasyon, kinausap ng PEP ang isang program manager ng entertainment department ng TV5.

Pero wala siyang maisagot sa mga tanong namin tungkol sa balitang pag-dissolve ng kanilang departamento.

Sabi lang niya, “What I know is that another SLVSP is being offered to TV5 employees.”

Ang ibig sabihin ng SLVSP ay Special Limited Voluntary Separation Program na katumbas ng separation package.

Ayon sa unang source ng PEP, bukod sa heads at regular employees na in-offer-an ng separation package, maraming cameramen din daw sa entertainment department ang mawawalan ng trabaho.

Himutok naman ng isang talent ng TV5: “Buti pa sila may matatanggap na bayad.”

Ang talents na nagtatrabaho sa likod ng camera ay walang matatanggap na separation package dahil hindi sila kontratado o maituturing na regular employees ng TV5.

“Retrenchment” ang paglalarawan ng iba pang sources ng PEP sa hakbang na ito ng istasyon.

Sabi ng ikatlong source, plano ng istasyon na palawakin ang outsourcing ng mga shows, katulad na lamang ng sa IdeaFirst Company nina Direk Perci Intalan at Direk Jun Lana.

Si Perci ay dating vice president for entertainment ng TV5 at ngayon ay may-ari na ng IdeaFirst Company na nagpu produce ng shows na LolaBasyang.com at #ParangNormalActivity.

Kaugnay nito, isang Facebook status ng isang talent ng TV5 ang may nakasaad na ganitong mensahe:

“Marami kaming pinagdadaanan na problema ngayon sa mga buhay namin.... sa mga darating na araw. nakakatakot dahil wala na kaming kasiguraduhan kung anong mangyayari sa mga buhay namin.”



RESTRUCTURING. Minarapat din ng PEP na hingan ng pahayag ang ilang tagapamahala ng TV5, partikular na ang mga taga-entertainment department, upang kunin ang kanilang panig sa mga balitang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi pa sila sumasagot sa aming text messages.

Nakausap din ng writer na ito ang head ng CorpComm ng TV5 na si Peachy Guioguio.

Itinanggi niyang madi-dissolve ang mga binanggit na mga departamento ng PEP sources, pero may mangyayari raw na “restructuring” sa programming grid at sa shows ng network.

Ito ay upang bigyang-daan ang plano nilang mag-focus sa digital content ng istasyon.

Tungkol naman sa impormasyong “considered resigned” na raw ang ilang executives ng TV5, sinabi ni Peachy na ang alam niya ay may offer ang istasyon na separation package sa mga gustong mag-avail nito.

Maganda raw ang naturang remuneration package, kung saan mas malaki nang di hamak ang matatanggap ng mga empleyadong mag-a-avail nito.

Dagdag pa ni Peachy, hindi lang naman daw sa TV5 nangyayari ang ganitong sitwasyon kundi maging sa ibang istasyon.

Tungkol naman sa napapabalitang mawawala na si Ma'am Wilma sa network, sinabi ni Peachy na magiging bahagi pa rin ito ng istasyon dahil magpo-produce ito ng shows para sa TV5.

Pero hindi nito sinagot ang aming tanong kung totoo ba ang balitang nagdesisyon ang TV5 na i-buy out ang kontrata ng lady executive.

Tungkol naman sa hindi pag-ere ng Misterless Misis noong Linggo, sinabi ni Peachy na inaayos lang nila ang grid, timeslot, at ang pagpapaganda ng show para mas kagiliwan ito ng mga manonood pagbalik nito sa ere.

Ang pagkawala naman ng KisPinoy nina Richard Gutierez at Jinri Park ay desisyon daw ng producer nito na isang blocktimer.

OFFICIAL STATEMENT. Kasunod nito ay nagpadala ang TV5 ng official statement tungkol sa separation package na inaalok sa mga empleyado ng istasyon.

Samantala, mananatiling bukas ang PEP sa pahayag ng pamunuan at empleyado ng TV5 kaugnay ng isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN