Is Albert Martinez open to a May-December affair?

Albert Martinez on possibility of falling for his All of Me co-star Yen Santos: "Ako kasi, sa tingin ko kasi, sa pagmamahal, walang imposible. Basta nagmahal ka, you will cross bridges, mountains just for love. Anything is possible, nothing is impossible."


Hindi makapaniwala si Albert Martinez sa naging reaksiyon ng mga taong nanood ng special screening ng ABS-CBN drama series na All of Me kahapon, August 25, sa SM Megamall Cinema 7.

Marami kasi ang kinilig at nagsigawan dahil sa tambalan ni Albert at ng kapareha niyang si Yen Santos.

May mga sumisigaw pa nga ng “AlYen” na pinagsamang pangalan nilang dalawa.

Pahayag ng aktor, “Actually, medyo shocked ako nang kaunti kasi di namin in-expect.

“Kami ni Yen, hindi namin in-expect na ganun.

“Pero kasi kami, na-enjoy namin yung shoot.

“Nung lumabas lang na, parang yung mga tao, di lang pala kami ang kinikilig, sila din.

“Kinikilig kami ni Yen nung pinapanood namin, nung narinig namin yung reaction ng tao.

“Last time kong narinig ang ganyan ‘80s,” sabi ng dating Regal matinee idol.

Patuloy ni Albert, “I’m overwhelmed, I still don’t know the feeling right now.

“Kasi nakakataba ng puso yung na-experience ko kanina, and I call it experience.

“Kasi nga, ang tagal kong hindi siya naramdaman and, all of a sudden, narinig mo yung reaction ng tao.

“Narinig mo yung enthusiasm, yung kilig nila.

“Ako yung parang hindi makapaniwala, ‘Totoo ba ito?’”



MAY-DECEMBER AFFAIR. Sa istorya ng All of Me, si Albert ang gumaganap na may edad nang Manuel at si JM de Guzman naman ang mas batang version nito.

At ang gumaganap na love interest nila ay si Yen.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang biyudong aktor kung bukas ba siya sa posibilidad na magmahal muli at sa isang mas bata tulad ni Yen, na 22 years old lamang?

Tugon ng 54-year-old actor, “Ako kasi, sa tingin ko kasi, sa pagmamahal, walang imposible.

“Basta nagmahal ka, you will cross bridges, mountains just for love. Anything is possible, nothing is impossible."

Pero dugtong din niya, “Honestly, right now, it never crossed my mind, I’m still grieving right now.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Probably… I don’t know, maybe a year, two years, three years, five years, ten years...

“I’m not closing it but, as of now, it actually has not crossed my mind.”

Hindi naman daw magdadalawang-isip si Albert na makatrabaho muli si Yen.

“I don’t mind, I’d love to… I’d love to work with Yen again.

“Mayroon na kaming level of understanding.

“First time, kaya nga we have to go through a series of workshops para familiarity.”

Dagdag niya, “Yen is like a sponge, she’s so open.

“Mayroon kasing ibang artista may apprehensions.

“Yen kasi is so open and she trusted me, and that’s what important.

“She trusted me and I trusted her.

“Yun ang hinahanap ko. Yun ang magic nun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN