Kim Rodriguez on suitor Kiko Estrada: "Hindi ko naman siya pinaghihintay, nasa kanya naman kasi yun."

Kim Rodriguez reunites with her mom at the surprise birthday party given to her last August 14. The Kapuso young star says that seeing her mom after eight months was the best birthday gift she received.


Nagtungo ang Kapuso young actress na si Kim Rodriguez sa Grace To Be Born Foundation, sa Pasig City, kahapon, August 26, bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Si Kim ay nag-celebrate ng kanyang 21st birthday noong August 14.

Ang Grace To Be Born Foundation ay isang maternity home and nursery na kumakalinga sa unwed pregnant mothers.

Ayon kay Kim, malapit sa loob niya ang nasabing foundation dahil sa naging role niya sa isang episode ng Magpakailanman, kung saan gumanap siyang prostitute na nabuntis sa murang edad.

Dahil dito, mas naintindihan daw niya ang mga pinagdadaanan ng mga batang ina.

At sa kanyang kaarawan, nagdesisyon si Kim at ang GMA Artist Center na bigyan ng saya at magpaambon ng mga regalo sa mga nanunuluyan ngayon sa Grace To Be Born Foundation.

Binigyan din niya ang mga ito ng libreng haircut at haircut training, pampering, at facial na labis namang ikinatuwa ng pregnant teens.



BIRTHDAY SURPRISE. Noon namang mismong kaarawan niya, August 14, nag-organize ng surprise birthday party para kay Kim ang kanyang mga tagahanga.

Parte rin ng birthday surprise para sa young actress ang pagdating mula sa Japan ng ina nito.

Lahad ni Kim, “Yun naman ang nag-organize, yung mga fans ko naman.

"So, hindi ko akalain na pupunta pala [yung mommy] ko.

“Nung una, nagulat ako, kasi nandun ang family ko... family ko lang, mga tita, pinsan.

"Tapos may isa pa daw surprise, hindi ko alam kung ano yun... biglang dumating si Mommy!

"Hindi ko alam talaga, sila lang nakakaalam."

Bago ito ay walong buwan daw silang hindi nagkita ng kanyang ina.

“Eight months, pero before nun, mga 13 years kami hindi nagkita.

“Sobrang happy ako sa mga nag-organize nun at nag-ayos.”

Sabi ni Kim, isang magandang birthday gift ang pagdating ng kanyang mommy.

Pero masaya niyang ibinahagi na binigyan din siya nito ng Louis Vuitton bag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siya mismo, yun na yung gift, pero binigyan din niya ako ng bag, Louis Vuitton.”



KIKO'S GIFT. Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kim kung ano naman ang naging regalo sa kanya ng onscreen partner niyang si Kiko Estrada.

Sagot niya, “Laptop, Macbook.”

Dagdag ni Kim, “Kaya sobrang happy ko at sobrang blessed ko kasi ang daming nagmamahal sa akin—mga fans, yung GMA Artist Center—kaya nagpapasalamat ako sa kanila, sa manager ko.”

Ngayon bang 21 years old na si Kim ay mas bukas na siya sa posibilidad ng pagkakaroon ng relasyon sa kanyang ka-loveteam na si Kiko Estrada?

Sa ilang panayam kay Kiko ay hayagan nitong sinabi na handa siyang maghintay sa dalaga at rerespetuhin niya ang magiging desisyon nito.

Read: Kiko Estrada on Kim Rodriguez: “Ipapakita ko sa kanya na kaya kong maghintay, nandito lang ako, yun yung pagmamahal.”

Ani Kim, “Actually, hindi ko naman siya pinaghihintay, nasasakanya naman kasi yun.

“Pero ang sabi lang naman niya, willing to wait siya.

“Ako naman, sinasabi ko sa kanya yung totoo, na kung ready na ako sa isang relationship...

"So, andiyan naman siya at may respect naman siya.

“Yun yung lagi nilang sinasabi na willing to wait siya at rerespetuhin niya yung desisyon ko.”

Kailan ba siya magiging handa para pumasok sa isang relasyon?

Tugon ni Kim, “Hindi ko alam, e. Kapag okay na lahat?

“Pero okay naman na ang lahat. Pero siguro depende sa mararamdaman ko kung ready na ako.

“Siguro ngayon, magpo-focus na lang muna ako sa trabaho.”

BIRTHDAY WISH. Ano naman ang birthday wish ni Kim, hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para sa mga taong nagmamahal sa kanya?

Inuna ni Kim ang kanyang wish para sa teen moms ng Grace To Be Born.

“Para sa mga moms dito sa Grace To Be Born, sana magkaroon ng good health ang mga baby nila at saka sa kanila, kasi alam kong mahirap yung pinagdadaanan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi ako, nung Magpakailanman, naramdaman ko kung gaano kahirap.

"Alam kong marami silang pinagdadaanan...

"Actually, lahat naman tayo may pinagdadaanan, iba lang yung pinagdadaanan nila.

"Huwag silang makakalimot kay Lord, mag-pray."

Para naman sa kanyang personal wish: “Wish ko sana makasama ang mommy ko, e, pero sinurprise naman niya ako nung birthday ko.

"Good health siyempre para sa lahat ng mahal ko sa buhay."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN