Miguel Tanfelix on being careful about social media posts: "Huwag lahat ilabas."

Miguel Tanfelix on young celebs being involved in Internet scandals; “Mas mabuti pang maging busy ka sa career mo, sa pag-aaral mo, sa pagbabasa ng books kaysa sa mga iba’t ibang bagay na puwede pang makasira sa iyo.”


Naniniwala ang Kapuso teen actor na si Miguel Tanfelix na hindi dapat lahat ay pinu-post sa Instagram o Facebook.

Pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Yes, huwag lahat ilabas.

"Kasi naniniwala pa rin ako na, katulad ng Facebook, tingnan mo, parang tinatanggalan ka niya ng private life, kasi halos lahat nakikita.

“Puwede mong i-post dun yung emotions mo, feelings, lahat...

"Minsan, puwedeng alam nila kung nasaan ka, di ba? So, parang nawawalan ka ng privacy.

"So ako, 'yon. Parang hindi ako agree na i-post mo lahat sa social media."

Ano naman ang pananaw ni Miguel sa pagkakasangkot ng ilang kabataang artista sa mga eskandalo sa social media, gaya ng nude selfies?

Saad niya, “Naaawa ako kasi, di ba, wala naman siguro gustong mangyari yun, na mai-post yung sarili nilang katawan sa social media?

"Alam mo kasi, unang-una, delikado talaga yung social media na 'yan.

“Kaya nga yung advocacy dati na 'Think Before You Click,' totoong-totoo yun.

“Tapos, bakit ka magpi-picture nang… di ba?

“Mas mabuti pang maging busy ka sa career mo, sa pag-aaral mo, sa pagbabasa ng books kaysa sa mga iba’t ibang bagay na puwede pang makasira sa iyo.”

BIGUEL LOVETEAM. Samantala, kahit sila pa rin ngayon ang magkapareha sa Kapuso sitcom na Ismol Family, malulungkot daw si Miguel kung hindi si Bianca Umali ang makakasama niya sa susunod niyang teleserye.

Ang huling teleseryeng pinagsamahan nila ay ang Once Upon A Kiss.

Pahayag ni Miguel, “E, kasi, may Ismol naman, kaso parang iba, e, iba.

"Kasi, kumbaga, parang kami ni Bianca, tantiyado na namin, e. Gamay na namin yung isa’t isa.

“Masaya ako pag kasama ko si Bianca sa taping. Iba yung energy ko.”

Pero wala namang dapat ipag-alala si Miguel dahil si Bianca muli ang kapareha niya sa bagong drama series na sisimulan ng GMA Network, ang Maybe This Time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaroon na nga sila ng story conference noong Lunes, August 24, at posible namang umere ito sa October.

"Maybe this time" ba ay liligawan na ni Miguel si Bianca?

“Hindi pa,” tugon ni Miguel.

Bakit?

“Kasi bata pa,” nakangiting sabi ng binata.

Sixteen years old si Miguel at 15 naman si Bianca.

Wala naman daw sinasabing edad ang mga magulang nila kung kailan sila puwedeng magligawan.

“Basta, pag settled ka na, pag alam mong kaya mo nang mag-girlfriend,” sabi raw ng mga magulang ni Miguel sa kanya.



YOUTH LEADERS. Na-launch ang isa sa advocacies nina Miguel at Bianca—ang "Pass-A-Book ni BiGuel"—sa 4th General Trias Youth Leaders Summit, na ginanap sa Lyceum of the Philippines Campus-Cavite, sa General Trias, Cavite, noong August 20.

Pupunta ang magka-loveteam sa iba’t ibang eskuwelahan para mamigay ng mga libro at mangolekta ng donated books na ipapasa sa ibang paaralan sa campus tours.

Katuwang nina Miguel and Bianca ang GMA Artist Center dito.

Kasama nina Miguel at Bianca sa 4th General Trias Youth Leaders Summit ang ambassador ng National Youth Commission na si Derrick Monasterio.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN