Bianca Umali not choosy about leading men: "Willing naman po talaga ako to work with other people and hindi po ako pipili."

Bianca Umali on the possibility of having Alden Richards as leading man in a GMA drama series: "Wow! We’ll see po if it will work."


Bukas daw si Bianca Umali na maipareha sa iba, kahit na malakas pa rin naman ang tambalan nila ni Miguel Tanfelix.

Pahayag ng 15-year-old Kapuso actress, “Wala po akong choice.

“Willing naman po talaga ako to work with other people and hindi po ako pipili.

"Kung sino po o kung ano po yung trabahong ibigay sa akin, gagawin ko naman po.”

What if pagtambalin sila ng sikat na sikat ngayong si Alden Richards sa isang drama series ng GMA Network?

"Wow!” bulalas ni Bianca. “We’ll see po if it will work."

Pero sina Bianca at Miguel pa rin ang magkapareha sa kanilang susunod na teleserye, ang Maybe This Time, na posibleng ipalabas simula sa Oktubre.

Napapanood din sila sa GMA sitcom na Ismol Family.

“Meron din po kaming upcoming movie, pero secret pa po,” banggit pa ni Bianca.

Hindi raw sila nagkakasawaan ni Miguel kahit lagi silang magkasama.

“Masarap po kasi siyang kasama and, whenever we’re together, enjoy lang po kami and ang gaan po talaga ng lahat.”

Nakapanayam ng PEP si Bianca sa 4th General Trias Youth Leaders Summit, sa Lyceum of the Philippines Cavite campus, sa General Trias, Cavite, noong August 20.

Doon din ginanap ang launch ng ‎Pass-A-Book Ni BiGuel na ‎advocacy o campaign ng BiGuel loveteam.

Sa naturang programa ay pupunta sina Bianca at Miguel sa iba’t ibang eskuwelahan para mamigay ng mga libro at mangolekta ng donated books na ipapasa naman sa ibang paaralan.

Katuwang nila rito ang GMA Artist Center.



NEXT MARIAN RIVERA? Marami ang nagsasabing posibleng isa si Bianca sa maging tagapagmana ni Marian Rivera bilang Kapuso Primetime Queen.

Ano ang reaksiyon niya rito?

Sabi ni Bianca, "Wow! Nakaka-overwhelm po.

“Ang sarap sa puso na marami pong nagsasabi, and yung ini-expect po nila sa akin is bilang the next Marian Rivera na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And medyo nakaka-pressure na nakakakaba na sobrang saya.

“Sana po, ma-fulfill ko yung expectations ng mga tao sa akin. I’m trying my best.”

Marami ring nagsasabi na si Bianca ang isa sa may pinakamagandang mukha among the female teen stars ng GMA Network.

Pahayag niya tungkol dito, “Thank you po, thank you sa mga nagsasabi sa akin nun.

"Pero hindi… I don’t see it that way, magkakapantay naman po talaga kaming lahat.

“And wala naman, I think hindi ko po tinitingnan kung sino yung pinakamaganda.

"Wala naman po, kasi pare- parehas lang.”

As for her dream role, nais daw ni Bianca na gumanap bilang isang baliw.

Anong klase ng pagkabaliw?

“All kinds of baliw. Wala pa po akong specific [na idea].

"Pero yung mga napapanood ko pong mga baliw

“Kasi, yung role ko po lately, always pa-sweet. Tapos yung good girl, ganyan.

"Pero gusto ko po namang ma-try yung different side."



STUDIES AND SHOWBIZ. Ipinagpapatuloy pa rin ni Bianca ang kanyang pag-aaral kahit busy siya sa showbiz career niya.

“Home-schooled, Grade 9,” sabi niya.

Plano ni Bianca na kumuha ng business course sa college.

“Ipu-pursue ko rin po ang Fine Arts.

"Kasi I appreciate art. I paint, I sketch, iyon po.

"Kaya gusto ko po siyang i-pursue."

Bukod dito, gustong pagsabayin ni Bianca ang pagiging negosyante at ang pag-aartista dahil alam niyang hindi pang-habambuhay ang showbiz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN