ABS-CBN, GMA execs among Forbes’ Top 50 Richest Pinoys

Kabilang ang mga execs mula sa GMA at ABS-CBN sa Philippines' Top 50 Richest ng Forbes Magazine. Samantala, nananatiling pinakamayaman si Henry Sy at pumapangalawa si John Gokongwei, Jr.


Pasok ang ilang executives mula sa dalawang pinakamalaking TV networks sa Pilipinas—ang ABS-CBN at GMA-7—sa inilabas na listahan ng Forbes Magazine ng "Philippines’ 50 Richest."

Nasa ika-17 puwesto ang chairman emeritus ng Lopez Holdings na si Oscar Lopez and family; may net worth itong $1 billion.

Kabilang sa subsidiaries ng mga Lopez ay ang TV network na ABS-CBN, ang First Gen Corporation na isa sa mga nangunguna pagdating sa renewable energy producers, at gayundin sa banking.

Pasok din sa Top 50 ang tatlong major shareholders ng GMA Network na sina Gilberto Duavit (#45), na may net worth na $170 million; Menardo Jimenez (#46) na may net worth na $165 million; at Atty. Felipe Gozon (#48) na may net worth na $155 million.

Samantala, nananatili namang pinakamayaman sa Pilipinas ang may-ari ng SM Malls na si Henry Sy, na may net worth na $14.4 billion.

Pumapangalawa si John Gokongwei, ang nagmamay-ari ng JG Summit, na may $5.5 billion.

Nasa ika-13 puwesto naman si dating senador na si Manny Villar, na may $1.48 billion net worth.

Nasa No. 29 ang chief executive officer ng San Miguel Corp. na si Ramon Ang, na may $510 million net worth.

Matatandaang hinangad ni Ang na mabili ang malaking stake sa GMA Network, subalit hindi ito natuloy nang mapurnada ang pakikipagnegosasyon niya sa Kapuso executives.

Narito ang Top 10 Philippine’s richest: (1) Henry Sy, $14.4B; (2) John Gokongwei Jr., $5.5B; (3) Andrew Tan, $4.5B; (4) Lucio Tan, $4.3B; (5) Enrique Razon, Jr., $4.1B; (6) George Ty, $4B; (7) Family Aboitiz, $3.6B; (8) Jaime Zobel de Ayala, $3.5B; (9) David Consunji, $3.2B; (10) Tony Tan Caktiong, $2.2B.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN