AlDub followers raise concern over loss of GMA signal on SkyCable

GMA Network says SkyCable subscribers are clearly being "shortchanged" due to persistent loss of GMA channel signal on the said cable service provider.


Pormal na naghain ng reklamo sa National Telecommunications Commission (NTC) ang GMA Network laban sa SkyCable dahil sa kawalan diumano ng channel signal ng Kapuso network sa naturang cable service provider.

Ito ay matapos almahan ng mismong Kapuso viewers ang kawalan ng signal ng GMA sa Skycable, lalo na sa timeslot ng patok na "AlDub" KalyeSerye segment ng Eat Bulaga, mula July 19 hanggang August 21.

Narito ang ilan sa hinaing ng Skycable subscribers ukol dito:

Ayon sa ulat ng GMA News Online ngayong Huwebes, August 27, umapela ang GMA na gawan agad ng SkyCable ng karampatang aksiyon upang maayos ang signal ng Kapuso network sa cable TV.

Base sa sulat na pirmado ni Senior Vice President for Engineering Engineer Elvis Ancheta at Vice President for Legal Affairs Lynn Delfin, inihayag ng GMA na paglabag sa prohibisyon ng Revised Rules and Regulations ng Governing Cable Television Systems in the Philippines ang kawalan ng channel signal ng GMA sa nabanggit na cable service provider.

Lalo pa’t mismong subscribers na nagbabayad sa SkyCable ang naghayag ng kanilang hinaing laban sa serbisyo nito.

Ayon sa pagsasaliksik ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ito ang isa sa mga probisyong nakasaad sa revised rules and regulations para sa cable service providers:

“The signal shall be carried without material degradation in quality [within the limitations imposed by the technical state of the art], and where applicable, in accordance with the technical standards.”

Malinaw na kawalan din para sa GMA ang kawalan ng channel signal sa nabanggit na cable service provider, lalo pa’t marami sa Kapuso viewers ang sumusubaybay sa tambalan nina Alden Richards at Maine "Yaya Dub" Mendoza (AlDub) sa Eat Bulaga.

Base sa AGB Nielsen TV Audience Measurement noong August 22, tumabo ng 31.3 percent share of household rating ang Eat Bulaga, habang ang rival show nitong It’s Showtime ay nakakuha ng 13.7 percent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umani rin ng mahigit dalawang milyong tweets ang naturang Eat Bulaga episode, kung saan ipinalabas ang pangalawang beses na pagkaudlot ng kasal nina Yaya Dub at Frankie (Jose Manalo).

PEP News Roundup August 21-23, 2015

PEP News Weekend Roundup: Wally Bayola repays Dabarkads for second chancehttp://bit.ly/PEPWallyBayola0822 #ALDUBagainstALLODDS reaches more than 2 million tweetshttp://bit.ly/PEPAlDubAgainstAllOdds0822Kris Aquino responds to OFWs' concern about Balikbayan boxhttp://bit.ly/PEPKrisAquinoBalikbayanboxMartin Nievera reacts to new format of ASAPhttp://bit.ly/PEPMartinNieveraASAP#DenJen, #LizQuen, sisters Alex and Toni, and other celebs at the Ariana Grande concert http://bit.ly/PEPCelebsatArianaGrandeconcert

Posted by pep.ph on Monday, August 24, 2015

Matatandaang mataas din ang nakuhang rating ng August 8 episode ng Eat Bulaga, kung saan umere ang unang kasalang Yaya Dub at Frankie.

Ngunit hindi ito natuloy nang hindi inaasahan na totohanang mawalan ng malay si Maine a.k.a. Yaya Dub.

Read: AGB Nielsen Mega Manila Ratings (August 3-8, 2015): Eat Bulaga gets three times the ratings of rival; It’s Showtime scores single-digit during weekdays


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN