Lovi Poe junks sweet moments with boyfriend Rocco Nacino on the set

Lovi Poe on why she stopped drinking in bars and parties: "Mas gusto kong healthy lifestyle, tumatakbo, nagdyi-gym, natutulog nang maaga. Ang sarap ng pakiramdam.”


Madalas mag-post ng sweet moments nila sa Instagram ang magkasintahang sina Lovi Poe at Rocco Nacino.

Pero kapag nasa trabaho sila, talagang trabaho raw ang focus nila, kaya hindi ganun ka-sweet sina Lovi at Rocco sa set ng pinagsasamahan nilang primetime series, ang Beautiful Strangers.

Sabi ni Lovi, “Ano naman talaga kaming dalawa when it comes to work, we give each other space.

“At saka, mas gusto ko rin na may space lalo na sa set.

"Masyado kaming fun kapag magkasama, so mahirap umiyak.

“May sarili siyang mundo, may sarili rin ako. Huwag kang lumapit sa akin ang peg namin.

"Kapag malungkot ang eksena, hindi puwedeng kami ang magkasama.

“Kasi, fun siya, e. Fun siyang tao.

"Kapag magkasama pa kami, it’s so funny."



FAVORITE SERYE. Samantala, hindi maikakaila ang kaligayahan ni Lovi sa primetime series nila ni Rocco, kung saan kasama rin nila si Heart Evangelista.

Pahayag ng Kapuso actress, “Maganda yung show namin.

“Alam niyo, ito lang ang sasabihin ko, I’ve done a lot of good shows sa GMA, but so far, this is now my favorite.

"Last kong favorite was Legacy [2012]. Ito ang bago kong paborito.

“Yung last week... sorry ha, iba-brag ko lang, yung taong-grasa, puso at kaluluwa talaga ang ibinigay ko diyan.

"As in, binuksan ko yung gate ng mga sad experiences ko sa buhay para magawa ko yung role na yun, as in lahat dinamdam ko para dun.

“Binuksan ko na yung gate na yun kapag kailangan. Isinasara ko siya pero ngayon, binuksan ko siya.”

Ang lalim ng hugot niya.

"Sabi rin sa akin ni Direk!" natawang sabi ni Lovi.

Si Albert Langitan ang direktor ng Beautiful Strangers.

“Sabi sa akin ni Direk, 'Lovi, ang lalim ng hugot mo, ‘no?'

"Sabi ko, oo... talagang dinamdam ko for the role.

"Ayokong biguin ang writer namin kasi talagang ginandahan nila ang istorya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LOVE SQUARE. Si Rocco ang gumaganap na boyfriend ni Lovi sa Beautiful Strangers. Pero magiging sina Rocco at Heart pag nagtagal.

Si Benjamin Alves, na kapatid naman ni Heart sa teleserye, ang pakakasalan ni Lovi.

Nakakahugot pala si Lovi sa mga eksena nina Heart at Rocco, lalo na sa parte ng kuwento na nagkakamabutihan na ang dalawa.

Sabi ni Lovi, “Iba kapag binabasa ko rin ang script. Iba yung pakiramdam na hindi ako yung mahal niya [Rocco].

"Parang iba pala yun, parang hindi ako sanay."

Pero nilinaw ni Lovi na hindi personal ang nararamdaman niya.

“Of all people, si Heart pa? Parang ano na yun.”

Mas safe ba ang pakiramdam ni Lovi na si Heart ang ibang kapareha ni Rocco?

“Oo, pero kung iba rin, I feel safe rin naman.

"Okey lang, okey lang din, knowing Rocco.

“If it happens, it happens, okey lang.”

Kahit kasalukuyang umeere ang Beautiful Strangers sa GMA Network, tuloy pa rin ang bakasyon nina Lovi at Rocco sa Japan sa isang buwan.

Katuwiran ni Lovi, “Maaga naman kami at marami na rin naman kaming napondo.

"At saka, three days lang naman kami mawawala."



BOOMING BUSINESS. Bukod sa kanyang showbiz career, naka-focus din si Lovi sa business niya.

Inamin ni Lovi na magandang impluwensiya sa kanya si Rocco sa pagnenegosyo.

Ilang taon matapos niyang buksan ang Cable Car sa The Fort, magtatayo si Lovi ng bagong branch ng nasabing restaurant-bar sa Ortigas.

“Bubuksan na soon sa Ortigas, sa September daw, sa likod ng Marco Polo Hotel siya.”

Tinututukan daw ni Lovi ang business niya.

“Kailangang tutukan. Mahirap na.

"May taping ako, siyempre.

"Hindi na rin ako nagpupuyat. Hindi na rin ako umiinom.

"Nandoon lang talaga ko to look at things.”

Hindi na siya umiinom kahit na bar ang business niya?

“Hindi na,” nakangiting sagot ni Lovi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Before kasi, medyo party girl ako.

"Ngayon, change of lifestyle talaga.

"Years ago pa, before Ang Dalawang Mrs. Real."

Personal na desisyon daw ni Lovi na huwag nang uminom kahit nasa bar o party.

“Nangyari na lang siya, parang hindi ko naman pinilit ang sarili ko.

"Mas gusto kong healthy lifestyle, tumatakbo, nagdyi-gym, natutulog nang maaga.

"Ang sarap ng pakiramdam!

“Titas of Manila ang hashtag,” biro pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN