Richard Yap on constructive criticisms about his acting: “Huwag lang titirahin ka below the belt.”

Inamin ni Richard Yap na nagkaroon siya ng agam-agam na tanggapin ang papel bilang Carlo sa ABS-CBN afternoon series na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita dahil mas madrama ang nasabing proyekto. pero sa huli ay tinanggap niya rin ito. Pahayag ni Richard, “We go where we are required to go, to where we are asked.”


Tanggap ni Richard Yap kung hindi lahat ay natutuwa o nagagalingan sa kanyang pag-arte.

“You can’t really please everyone. Tayo naman, we always try to improve ourselves,” sabi niya.

Para sa actor-businessman, sapat nang ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya at pinagbubuti niya ang kanyang trabaho.

“As long as I do my best and as long as the network is happy with me, the ratings are going well,” sagot ni Richard.

Naaapektuhan ba siya kapag may mga pumupuna sa kanyang pag-arte?

“If it's constructive criticism naman, it’s no problem.

"Huwag lang titirahin ka below the belt, just because may gusto lang silang sabihin.

“Everyone has a right to his own opinion, siguro better if they keep it to themselves,” pagtukoy niya sa mga bumabatikos sa kanyang acting.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Richard sa pocket presscon, kung saan inanunsiyo ang pagpasok niya sa ABS-CBN afternoon series na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, nitong Miyerkules, August 26.

Gagampanan dito ni Richard ang papel ni Carlo, ang kababata ni Cecilia (Vina Morales) na makikita niyang muli pagkatapos ng 20 taon.



KNOWING HIS LIMITATIONS. Sa nasabing presscon, inamin ni Richard na nagkaroon siya ng agam-agam noong una kung tatanggapin niya ang role.

Lalo pa’t mas madrama ang nasabing teleserye kumpara sa mga proyektong dati niyang ginawa, kagaya ng Be Careful With My Heart (2012-2014).

“It’s something new for me, medyo mas madrama siya.

"So, sabi ko, sige, subukan natin.

“May konting apprehension kasi, sabi ko, medyo madrama ito.

"So, nag-isip din ako, pero we go where we are required to go, to where we are asked.

"So everything is okay."

Ano ang mga limitasyon niya pagdating sa pag-arte?

Sagot ni Richard, “Siguro yung masyadong heavy, hindi ko pa kaya.

"Kasi, sometimes, I work on... like yung crying scene. I really have to feel the scene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagagawa ko pag talagang nararamdaman ko, pero pag I don’t believe sa istorya, parang hindi lumalabas.

"Yun ang limitations ko siguro."

Aminado naman si Richard sa kanyang mga limitasyon pagdating sa pag-arte.

“Kaya sinasabi ko rin, let’s say when we’re doing [a project], ‘Ay, di ko kaya yung ganun.’

"Para, at least, di sila ma-taken off guard."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN