Joem Bascon defends Pangako Sa 'Yo co-star Angelica Panganiban

Masaya si Joem Bascon na napabilang siya sa pelikulang Heneral Luna. Masarap daw sa pakiramdam na maipakilala sa mga kabataan ngayon ang iba pang mga bayani ng bansa.


Taliwas sa mga naging batikos ng bashers ni Angelica Panganiban na palapatol at palamura, ibang-iba raw ang pagkakakilala ng co-star nito sa Pangako Sa ‘Yona si Joem Bascon.

Sa nasabing primetime series ng ABS-CBN, si Joem ang gumaganap na Caloy Macaspac, ang half-brother ni Yna (Kathryn Bernardo) at driver naman ni Madam Claudia (Angelica).

Sa Instagram post ni Angelica noong August 25, sinagot ng 28-year-old Kapamilya actress ang kanyang bashers na tila pinagsasabong sila ni Bea Alonzo.

Nakapagbitiw ng ilang mabibigat na salita si Angelica at nakapagmura pa.

Read: Angelica Panganiban lashes out at bashers for pitting her against Bea Alonzo

Bilang madalas na nakakasama ni Joem si Angelica, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang media ang aktor kung talaga bang bored ang aktres sa set nila kaya panay ang post nito ng mga larawan sa Instagram.

Pagtanggi ni Joem, “Hindi a. Masaya siya.

“Palabiro naman talaga si Angge [palayaw ni Angelica], ever since naman, kakilala ko naman siya.

"So, ganun, kalog."

Naringgan na ba nila itong nagmura sa set?

Mariin din itong pinabulaanan ni Joem.

Sabi niya, “Hindi a. Hindi.

“Minsan nangungulit lang.

"Siyempre, kapag segue… every day kasi sila nagti-taping, yun, pagod din, nagpapahinga.

“Wala, naglolokohan lang kami dun lagi, naglalaro lang po kami sa set, ganun lang po ang nangyayari.”

Nakausap ng PEP si Joem sa grand presscon ng pelikulang Heneral Luna, Huwebes ng tanghali, August 27, sa Victorino's Restaurant, Quezon City.



HENERAL LUNA. Sa nasabing pelikula tungkol sa buhay ng bayaning si Antonio Luna, si Joem ang gaganap sa papel ni Colonel Francisco ‘Paco’ Roman.

Si Col. Roman ay ang kanang-kamay ni General Antonio Luna, na ginagampanan naman ni John Arcilla.

Si General Luna ang namuno sa pakikipaglaban ng bansa sa panahon ng Filipino-American war noong taong 1898.

Sabi pa ni Joem tungkol sa kanyang karakter, “Si Col. Paco Roman, siya po ang isa sa mga hero ng Battle of Kalookan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siya ay isa rin sa mga utak ni Luna pagdating sa mga battle plans. Siya yung pinagkakatiwalaan ni Luna.

“Lahat ng kanyang sikreto ay sinasabi niya kay Paco.

"Siya talaga yung nagbibigay ng sanity kay Luna, kasi si Luna po nababaliw minsan. Kasi po, sobrang abrupt yung mga emotions niya.

"Siya po yung nagpapakalma para hindi siya mapahamak.”

(Joem Bascon and John Arcilla in a scene from the film Heneral Luna.)

Aminado si Joem na hindi siya aware sa buhay ni General Luna bago mai-offer sa kanya ang pelikula.

“Actually, nung ibinigay na sa amin ang script, lahat po kami, pinag-aralan na namin.”

Bakit dapat panooring ng mga tao ang Heneral Luna?

Sabi ni Joem, “Actually, pinag-usapan nga namin na talagang for education purposes.

"Kasi ang mga kabataan ngayon, hindi naman nila alam si General Antonio Luna, si Roman.

“Siguro kilala nila si Emilio Aguinaldo, Andres Bonifacio, si Dr. Jose Rizal, so we wanted to do a film para maipakita sa kanila na hindi lang po sila ang mga bayani nating mga Pilipino.

“Meron pa po tayong ibang bayani sa Pilipinas.

“Sana, maging positive for the whole Filipino.”

Sa September 9 na ipapalabas ang Heneral Luna.

Ang iba pang mga kasama sa cast ay sina Arron Villaflor, Mon Confiado, Bing Pimentel, Mylene Dizon, Perla Bautista, Lorenz Martinez, Alvin Anson, Alex Medina, Art Acuña, Archie Alemania, Epy Quizon, Leo Martinez, Nonie Buencamino, Ketchup Eusebio, at Ronnie Lazaro.

May special participation din dito si Paulo Avelino.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN