Derek Ramsay admits not seeing his son for the past eight months: “Ayoko nang mag-isip ng negative, basta keep on trying.”

Derek Ramsay on 26-year-old model-girlfriend Joanne Villablanca: "She has a child, and for me, that 's a plus. I like that. May anak din ako."


Inamin ni Derek Ramsay na hindi pa sila nagkikitang muli ng kanyang 12-year-old na anak na si Austin mula noong December 2014.

Sa presscon ng pelikulang Ex With Benefits na ginanap sa ELJ Building, sa ABS-CBN, noong August 22, ipinahayag ni Derek sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nami-miss na niya ang anak.

Bungad ng model-actor, "For now, yes.

"I haven't seen him since Christmas [2014].

"He's in school, and there are other factors na ayokong pag-usapan."

Pero nilinaw ni Derek na mas maganda ang sitwasyon nila ngayon ng anak kasya noong nakaraang taon.

"It is much better than it used to be.

"But, it's still a long way to have that relationship that I have as a father.

"But I won't stop trying."

Matandaang nag-file ng kaso noong June 2014 ang estranged wife ni Derek na si Mary Christine Jolly dahil sa paglabag diumano ni Derek sa R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act sa Makati Prosecutor's Office.

Pumirma ng compromise agreement si Derek noong October ng taong iyon para sa kapakanan ni Austin.


Read: PEP EXCLUSIVE. Derek Ramsay finally speaks up about amicable settlement with Mary Christine Jolly



DISTANCE PROBLEMS. Bakit hindi na muling nakikita ni Derek ang kanyang anak?

Akala ng lahat, bahagi ng compromise agreement ang visitation rights ni Derek kay Austin.

Paliwanag ng aktor, "Well, they live in Dubai.

"So, that's the hard thing and hard part of it.

"Pumunta ako [ng Dubai], pero hindi ko nakita [si Austin].

"So... in God's time, it will happen."

Pakiramdam ba niya, itinatago si Austin ng ina nito sa kanya?

Mabilis na sagot ni Derek, "Ayokong isipin yun.

"Ayoko nang mag-isip ng negative, basta keep on trying, di ba?

"That's all I can do.

"My son has been through enough emotional stress, I don't want to add to it."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gumagawa raw ng paraan si Derek para maging maayos ang relasyon nila ng kanyang anak.

Hindi rin daw niya nakakalimutan ang responsibilidad at obligasyon niya rito.

Sabi ng aktor, "Most definitely.

"Yung obligation naman, ibinibigay ko naman, dati pa 'yan.

"Wala namang problem sa parteng 'yan."



CURRENT GIRLFRIEND. Napag-usapan din namin ang kanyang current girlfriend na si Joanne Villablanca.

Ang 26-year-old commercial model ay may walong taong gulang na anak na babae, si Sofia.

Nakangiting sabi ni Derek, "She's good, she's very supportive.

"She has no problem. Bago maging kami, she knows that this is what I do.

"And, bago naging kami, there are some things in her na some men may not accept.

"She has a child, and for me, that 's a plus, I like that.

"And... may anak din ako."

Itinanggi ni Derek ang balitang magka-live in na silang dalawa.

"She has her daughter, and the daughter spends time with her father, so...

"But we never have time together.

"We see each other, kahit very minimal lang yung time namin."

Dugtong pa niya, "Her daughter calls me 'Tito Derek.'

"We were together the other day. We watched Inside Out.

"She's beautiful, and the funny thing is she looks like Angelica Panganiban!" sabay tawa ni Derek.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN