Actor-director Ricky Rivero suffers heart attack

Ayon sa ulat, sumailalim sa angioplasty ang aktor at direktor na si Ricky Rivero ngayong Huwebes, August 27, matapos siyang atakihin sa puso kamakalawa.


Humihingi ang singer-actress na si Rachel Alejandro ng dasal para sa kanyang kaibigang actor-director na si Ricky Rivero, matapos itong atakihin sa puso.

“He had a heart attack and kailangan tingnan ngayon ang puso niya. He needs to go through some tests para tingnan kung anong problema and kung anong procedure ang kailangan gawin. Let’s all pray for his speedy recovery,” pahayag ni Rachel sa panayam sa kanya ni Ahwel Paz sa dzMM.

Isinugod daw sa ospital si Ricky nang atatkihin ito sa puso noong Martes, August 25, sa Tagaytay.

Overfatigue umano ang naging dahilan ng atake sa puso dahil sa tuluy-tuloy na trabaho ni Ricky.

Sa ulat naman ni Ahwel sa dZMM, ibinalita niyang sumailalim sa angioplasty si Ricky ngayong Huwebes, August 25, bandang 1 P.M., sa Philippine Heart Center.

Sa kanyang Instagram account, naging madamdamin ang naging post ni Rachel para sa kanyang kaibigan.

Nag-post si Rachel ng larawan ni Ricky na nakangiti, kalakip ang sumusunod na caption: "In a perfect world where money was no object, we didn't have to work, I would be with you everyday. You are my family. Here's to more days like this one—we're at the beach, tan and happy. Love you, @rickyrivero"

Nagkasama sina Rachel at Ricky sa dating teen-oriented show ng GMA Network na That's Entertainment.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN