AJ Muhlach happy for ex-loveteam partner Nadine Lustre: “Kung hindi man po kami nag-click, ibig sabihin hindi po para sa amin yun."

Not for AJ Muhlach to show a bit of flesh to spice up his showbiz career, as he says, "Ang goal ko po talaga, maging actor. Hindi ko po iniisip na kailangan kong mag-focus sa katawan. Naniniwala rin naman po ako, in time darating din po yun kung para sa akin talaga ang pagsikat, darating po ‘yan.”


Walang panghihinayang at masaya raw si AJ Muhlach sa nangyayari sa career ngayon ni Nadine Lustre kahit iba na ang ka-loveteam nito.

Sina AJ at Nadine ang orihinal na ipinakilalang loveteam ng Viva Films sa ilang naging TV shows ng dalawa sa TV5.

“Honestly po, happy po ako sa kanya, nandoon na siya.

“Sabay po kami kaya nakita ko kung paano siya nag-start, paano siya nag-grow, paano siya sumikat.

“Proud po ako sa kanya na nandoon na siya sa taas.

“Ako naman po, hindi ko naman po iniisip na kailangan sumikat po ako.

“Basta ako po, ginagawa ko ang work ko, masaya po ako sa pag-acting,” saad ni AJ.

Nakausap ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng bagong Wattpad episode na Bebeng Pabebe Meets Super Jiro sa Max’s Restaurant noong Miyerkules, August 26.

MEANT TO BE. Hindi ba pinapangarap ni AJ na sumikat din?

“Siyempre, gusto po pero hindi ko naman po pipilitin.

“Hindi naman po siguro ako malulugmok kung hindi man po ako sumikat, wala naman pong problema.”

Sila ni Nadine ang orihinal na tandem sa Bagets na sa pagpasok ni James Reid, yung loveteam ng dalawa ang mas sumikat.

Ayon kay AJ, “Kung hindi man po kami nag-click as a loveteam, ibig sabihin lang po, hindi po para sa amin yun.

“Nag-click sila ni James, ibig sabihin, para sa kanila po talaga yun.”

Wala bang naging “something” sa kanila ni Nadine tulad ng mutual understanding o niligawan niya ito?

“Wala po,” nakangiti niyang sabi.

Positibo naman si AJ na magkakasama at magiging magkapareha pa rin daw sila ni Nadine.

“Pareho naman po kaming Viva [talents], nakikita ko po na may possibility pa rin po na magkasama o magka-partner kami.

“Viva po kami and if ever naman po, ako naman po kasi yung taong walang problema kahit na kanino pa po ako ipareha.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CONTENTED. Matagal-tagal na rin si AJ sa showbiz, masaya ba siya sa takbo ng showbiz career niya o nababagalan siya?

“Masaya naman po ako, ako po kasi yung klase ng tao na kung ano po ang nandito, yun po ang ine-enjoy ko.

“Hindi po kasi ako magiging masaya kung maghahanap at maghahanap ako.

“Kung ano po ang nandito, kuntento po ako.

“Sumikat man po ako, thank you. Bonus po yun.

“Kung hindi man po ako sumikat, magiging masaya pa rin po ako.”

Sa showbiz raw, tila may kasabihan o paniniwalang sa isang pamilya ng mga artista, kadalasan, isa lang talaga ang sumisikat nang husto.

Si AJ ay kapatid sa ama ni Aga Muhlach.

Sabi naman ni AJ, “Siguro po. Based po sa amin, hindi naman.

'Si Kuya Niño [Muhlach] po sumikat, si Tita Nena [Amalia Fuentes], si Alonzo [Muhlach] po, mahirap pong sabihin, e.”

Kumusta naman ang pagtanggap at suportang nakukuha niya mula sa mga Muhlach?

“From my dad [Cheng Muhlach], full support naman po siya sa aking career.

“Sa mga kapatid ko po, hindi naman po namin pinag-uusapan ang show business.

“Parang work lang po talaga ang tingin ko rito, kung may binibigay man silang tip, pakonti-konti po.

“Mas nagkakamustahan po kasi kami kapag nagkikita kami.

“Talagang busy rin po lahat at bihira lang kaming magkita.”

Sa showbiz daw, wala namang mga pinapayo sa kanya si Aga, pero sa buhay raw, sinasabi lang sa kanyang maging masaya.

Lahad ni AJ, “’Di po ba, minsan sa buhay, hindi maiiwasang ma-depress?

“Ang sabi naman po, parang, 'Huwag kang masyadong maghukay nang malalim.'

“Maging happy ka lang, yun lang po.”

Makakatulong kaya sa kanyang career kung magpapakita si AJ ng konting kaseksihan?

Katulad ni James, tipong game ito sa pagpapa-sexy.

Sabi naman ni AJ, “Hindi naman po siguro kasi ang goal ko naman po talaga, maging actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko rin naman po iniisip na kailangan kong mag-focus sa katawan, mas nagpo-focus po talaga 'ko sa acting ko.

“Naniniwala rin naman po ako, in time darating din po yun kung para sa akin talaga ang pagsikat, darating po ‘yan.”

ELLA CRUZ. Si AJ si Super Jiro Sa Wattpad Presents Bebeng Pabebe Meets Super Jiro na mapapanood na ngayong gai ng Lunes sa TV5.

Humarap nga siya sa presscon na naka-costume ng Super Jiro.

Si Ella Cruz naman ang leading lady niya, kumusta ito katrabaho?

“Sobrang comfy po ako kay Ella, katulad nga po ng sabi niya, kinu-kuya pa niya ako before.

“Ngayon, AJ na lang po, talagang nag-click kami kapag nag-uusap kami.

“Hindi yung parang nagkakaroon ng awkward silence.”

Yung personalidad daw ni Ella ang pinakanagugustuhan niya sa bagong kapareha.

“Bright yung personality niya talaga at napaka-jolly po.

“Kapag magkausap kayo, talagang ang pinupuntahan ng usapan niyo, light talaga, e.”

Wala naman daw ideya si AJ na “item” sina Ella at Bret Jackson kaya hindi raw siya nakaramdam ng pagkailang.

Natatawang pag-amin nito, sa presscon na lang din daw niya nalaman na nali-link ang dalawa.

Sabi niya rin, “Work lang naman pong talaga. At saka, hindi rin naman po namin napag-usapan.

“Hindi ko rin po talaga alam kung ano ang meron sa kanila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN