Lee O’Brian admits living together with Pokwang

Ayon sa American actor na si Lee O’Brian, hindi pa nila napag-uusapan ng girlfriend niyang si Pokwang ang pagpapakasal. Gusto raw muna kasi nilang mag-celebrate ng kanilang anniversary bago pag-usapan ang kasal. Sa ngayon, sinisikap daw nilang muling makabuo ng baby matapos makunan ang komedyana sa panganay sana nilang anak.


Inamin ng American actor na si Lee O’Brian, 40, na nagsasama na sila ng girlfriend niyang si Pokwang, 42, sa bahay ng huli.

Plano na ba niyang pakasalan ang komedyana?

Sabi ni Lee, “I am planning one day to do that.

"As to our time frame when, we are not really talking about that right now.

"Because, you know, to be honest, we’ve been together now for six months, legitimately."

Gusto raw niyang mag-celebrate muna sila ng kanilang first year anniversary bilang magkasintahan bago pa mag-level up sa pagpapakasal ang kanilang relasyon.

Nagkakilala sina Pokwang at Lee sa set ng pelikulang Edsa Woolworth noong 2014.

POKWANG'S MISCARRIAGE. Kamakailan lamang, dumanas ng kalungkutan ang dalawa dahil sa pagkalaglag ng kanila sanang panganay na anak.

Read: Pokwang suffers miscarriage, confirms her American boyfriend

Paano nila ito hinarap?

Saad ni Lee, “You know, it wasn’t easy at first, but something... in a little bit of time, we will get over it.

“Life is like that, you have to see the bright side to it.

"Take your time to mourn, take your time to accept it, and then move on."

Hindi naman daw naging aksidente lang ang pagkakabuo ng kanilang baby, plinano na raw talaga nilang magkaroon ng anak.

Sabi ni Lee, “The two of us... we want to have kids.

"We’d tried it before, we’ll try it again now."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lee sa presscon ng Kano Luvs Pinay, ngayong Biyernes, August 28, sa Annabel’s restaurant, Tomas Morato, Quezon City.



KANO LUVS PINAY. Si Lee ang bidang lalaki sa bagong sitcom na ito ng TV5.

Ang leading lady niya ay ang Kapatid star na si Tuesday Vargas.

Tumatalakay ito sa interracial relationship sa pagitan nina Lee at Tuesday, na gumaganap sa papel nina Matthew at Cookie, respectively.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Spin-off ang show mula sa matagumpay na Cine Filipino entry na Ang Turkey Man Ay Pabo Rin.

Kasalukuyan daw nag-aaral ng Tagalog si Lee para makapagsalita na siya ng ating wika.

Ipalalabas ang Kano Luvs Pinay simula sa September 5, 9 P.M., sa TV5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN