Richard Gomez wins gold at Asian Masters Fencing Championship

Richard posts a picture of his fencing performance against an opponent on his Instagram account (left). He also proudly shared that he and another Filipino fencer Leny Reyes won gold medals in the first Asian Masters Fencing Championship (right).


Nagwagi ng gold medal si Richard Gomez sa kauna-unahang Asian Master’s Fencing Championship na ginanap kahapon, August 28, sa PhilSports Complex sa Pasig City.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Richard ng litrato kung saan siya ay nakikipaglaban ng fencing.

Dito ay pinasalamatan niya ang lahat ng tumulong at sumuporta sa kanya, kabilang na ang asawa na si Leyte Representative Lucy Torres-Gomez.

Saad ng 49-year-old actor sa kanyang caption: “Winning the gold today at the Asian Master’s Fencing Championship at the ULTRA. Thank you, Lord!

“Thank you for the support of my teammates and coach Benny.

“Thank you for the continuous support of my lovely wife @lucytgomez.”

Sa sumunod niyang post, ibinahagi niyang dalawang individual gold medals ang napanalunan ng Philippine Fencing Association, kung saan siya kabilang, sa nasabing kumpetisyon.

Kasama niya sa sumunod na litrato ang isa pang fencer na si Leny Reyes.

Pagbabahagi niya ayon sa kanyang caption: "2 individual gold medals for today at the Asian Master's Fencing Championship won by Foil fencer Leny Reyes and Epee fencer @richardgomezinstagram."


Ang Asian Masters Fencing Competition ay isang paligsahan ng fencers na inorganisa ng Fencing Confederation of Asia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN