Piolo Pascual admits downside of box-office success: ''Nakakatakot na lagi kang napi-pressure sa expectations.''

Piolo Pascual explains why he feels more fulfilled doing indie movies nowadays: "I've been in this business for so long, I would want to think na I've paid my dues already. You know, whether box-office or not, I think nagawa ko na as an actor.''


Kahit na mas kilala si Piolo Pascual bilang isang box-office star, inamin niya na dumating na raw siya sa puntong gusto na rin niyang ipagpatuloy ang paggawa ng mga makahulugang pelikula na may magandang mensahe.

Kaya nga hindi siya nagdalawang-isip na gawin ang indie films na Silong (directed by Jeffrey Hidalgo) at ang Hele Sa Hiwagang Hapis (directed by Lav Diaz).

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Piolo sa #LiveFreePH Movement Concert kahapon, August 28, sa SM San Fernando, Pampanga, isa ito sa usaping tinakalay niya.

Bungad ng Sunlife celebrity endorser, "I've been in this business for so long, I would want to think na I've paid my dues already.

"You know, whether box-office or not, I think nagawa ko na as an actor.

"Hetong latest movies ko, they're not something na for the box-office yung outcome.

"It's not even for the awards.

"Kasi, nakakatakot na lagi kang napi-pressure sa expectations, sa gusto ng station.

"For me, as long as you were able to do your job well, bonus na lang kung maging box-office.

"Siyempre, you want that for your premium, and at the same time, para masaya lahat. It's business.

"So hindi ako nagpapa-pressure sa ganun. Kung ano man ang mangyari, ginawa ko ang lahat—promo, everything.

"I'm a team player, yun na ang pinaka-share ko."

CONCERT WITH IÑIGO. Maraming kaganapan sa buhay ni Piolo ngayon, katulad na lang nitong unang pagsasama nila ng kanyang anak na si Iñigo sa isang free concert para sa mga taga-Pampanga bilang bahagi ng Sunlife Financial's celebration.

Wala ba siyang plano na ituloy ang father-and-son tandem na ito sa mas malaki at pormal na venue?

Aniya, "Actually, I had a meeting with Star Records yesterday [August 27], and it had something to do with an album.

"Ang hirap kasi, kapag nagpepelikula ka, kapag nagsu-soap ka, 'pag pinagsabay mo, and then, wala ka namang cut-off, the next day, parang ang hirap kapag wala kang tulog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So I told them, it's about this album na magtu-two... actually, magti-three years na since the last time I did an album.

"Even for concerts, they ask me for Valentine's, for Christmas, through the year. Pero mas gusto ko kasing nagpu-focus sa isang bagay.

"Even with my rest days, instead na rest day mo, imu-mall show mo pa.

"I have to be prepared for it."

Nasa bucket list ba niya yun, kung sakali?

Sabi ng Kapamilya actor, "I've done two concerts.

"With Iñigo kasi, he has to establish himself first, as a performer.

"Ito [ang Sunlife concert], sa akin, okey na muna ito... para masanay kami, para magkaroon kami ng chemistry onstage.

"Get a repertoire na mas kabisado namin ang isa't isa, kaysa nakasalang kami pareho, pero kinakabahan kami.

"Iba kasi yung genre niya, iba naman ang genre ko.

"So for me, gusto ko sana na he gathers enough experience, para ma-establish niya muna ang sarili niya as a musician."

FATHER AND SON COMPARISON. Dahil napag-usapan na ang tungkol sa kanilang mag-ama, napapansin na kapag silang dalawa ang magkasama, parang hiyang-hiya at naku-conscious sa kanya si Iñigo.

Paliwanag ni Piolo,"Wala, sabi ko nga sa kanya, mas magaling siyang sumagot sa akin [sa mga tanong].

"He's candid, he's a total package, and he's good.

"May nagsasabi nga sa akin na mas magaling siya kaysa sa akin, which is good.

"Siyempre, anak ko 'yan.

"Mahirap din kasi, na we do things together, kasi maku-compare kayo, anak ko 'yan e.

"So, I just wanna be protective."

REUNION PROJECT WITH JUDAY. Samantala, naitanong naman sa kanya kung ano ang reaksiyon niya sa clamor na muli silang magsama sa isang pelikula ni Judy Ann Santos.

Isa nga raw ito sa dream projects na hinihintay ng mga tagahanga na patuloy pa ring nag-aabang sa kanilang balik-tambalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung maaalala, ilang hit movies ang pinagtambalan ng dalaswa, katulad ng Kahit Isang Saglit (2000) Bakit 'Di Totohanin (2001), 'Till There Was You (2003), at Don't Give Up On Us (2006).

Aniya, "Wala naman akong problema, e.

"Schedule ang problema, e.

"Kasi, at this point of our lives, hindi na kami puwede sa tipikal na rom-coms, e. Di ba?

"It has to be concept-driven na magdadala sa amin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN