Sarah Lahbati clarifies she's not yet a Kapamilya artist: “As of now, wala pa po.”

Sarah Lahbati admits that she's been enjoying her various guesting stints for some Kapamilya shows: “It’s been wonderful na may mga guestings ako sa ABS. It’s been good. And I’m enjoying my time. Especially, performing [sa ASAP], nai-enjoy ko po talaga siya.”


Natutuwa raw si Sarah Lahbati na laging napag-uusapan, especially sa social media, ang reality show ng pamilya Gutierrez na It Takes Gutz To Be A Gutierrez.

Napapanood ito hindi lang sa Pilipinas kundi sa iba pang bansa sa pamamagitan ng TFC (The Filipino Channel) at E Channel, at maging sa cable channel 57 sa SkyCable, Channel 25 sa Cignal, and Channel 33 sa Cable Link every Monday, 9:00 p.m.

“Ang lagi kong nababasa sa social media is… si Tita Annabelle [Rama] talaga ang tunay na star ng show, which I agree,” bungad na pahayag ni Sarah sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“I think talaga na she is the star of the show. Dahil talagang nakakatawa siya at saka she’s always entertaining.

“We actually finished shooting. So in-edit na lang po ang mga episodes para to air na lang.”

Sampung episodes bale ang season three ng show. Lima na ang naere, may lima pang natitira.

“Exciting! And we can’t wait to share it with everyone,” dagdag pa ni Sarah.

Ano sa palagay niya ang pinakaaabangan ng mga sumusubaybay sa reality show na ito ng pamilya Gutierrez?

“Well, definitely, makikita na sa Manila si Tita Annabelle and Ate Ruffa [Gutierrez]. And yung constant fight nila as mother and daughter.

“Pero I think meron ding lesson na makikita yung mga tao dahil makaka-relate sila kina Ate Ruffa and Tita Annabelle as a daughter or as a mother.

“So, there will definitely be more of that. And my personal life with Chard [Richard Gutierrez] and Zion [her son] na talagang makikita how we are every day when we are together.

“You know, how we spend our free day. Iyon ang makikita ng tao,” lahad niya.

ZION. Ang panganay nilang anak na si Zion ay dalawang taong gulang na. Sa tingin niya, aware na ba ito na madalas ay sinusundan o kinukunan din ito ng camera at nai-enjoy kaya nito na nakikita ang sarili on TV?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Sarah, “I think he’s aware. Medyo nagugulat siya once in a while na parang, 'Why am I on TV?'

“And… yeah, he’s comfortable naman. And you know, we always shoot in a comfortable environment.”

PROUD OF RELATIONSHIP. Kasama rin na ipinapakita sa kanilang reality show ang relasyon nila ni Richard. Hindi naman daw naiilang si Sarah kahit na masasabing malaking bahagi ng kanilang private life as a couple ay ibinabahagi sa mga manonood. Nasanay na raw sila sa ganitong sitwasyon.

“I’ve always been a private person. So it was difficult for me at first to open up to people and talk about what we go through on a daily basis.

“And you know, just like our relationship. So it’s quite special for us that we’re finally sharing our lives to everyone.

“And you know, what we have… we have a strong relationship. And we know where we are, where we stand as a couple.

“And you know… we inspire each other. Okey yung communication namin.

“We have a strong relationship. That’s why we’re fine with sharing what’s going on with us.

“And we hope to inspire other couples in different ways,” pagmamalaki niya.

GOING STRONG. Hindi madali para sa gaya nilang showbiz couple na maging strong ang relationship. Paano nila ito nagagawa ni Richard?

“We’re like bestfriends. Para talaga kaming mag-bestfriend.

“Kaya I think importante na may friendship na foundation before, you know… entering into a relationship.

“I always advice my friends na maging magkaibigan muna. And gano’n kami ni Chard, we’re super close na para talaga kaming mag-bestfriend,” saad niya.

Three years na ang itinatagal ng relasyon nila ni Richard. For the record, anong month ba ang kanilang anniversary?

“Uhm… I only know na naging kami mga sometime in June. But we don’t have a specific date.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi hindi kami yung parang... naglagay ng date nung naging kami. Basta sometime in June,” paglilinaw niya.

NO PLANS YET FOR SECOND BABY. Wala pa ba silang plano na sundan si Zion?

“Well, naiisip ko once in a while dahil masarap din na magkaroon ng kapatid si Zion na parang baby brother or sister. But we’re taking our time.

“And Zion is growing up so fast. So we don’t wanna rush things.

“So… babalitan namin kayo kapag may kasunod. Sa ngayon, wala pa po,” pahayag niya.

NO WEDDING PLANS YET. Halos lahat ay nakaantabay kung kailan naman sila magpapakasal ni Richard. Ano nga ba ang dahilan kung bakit wala pa yata ito sa plano nila?

“You know, I don’t know why everybody is so… well, I understand naman that everybody wants us to get married. Because you know, they’re excited I guess.

“Pero… again, we're young. We’re taking our time.

“And we don’t want to feel pressured para lang ma-please yung mga tao na, 'Finally, ikakasal na.' We’re taking our time.

“Pinag-iisipan po namin yun. Pero hindi namin gustong pilitin na ngayon na, this year na, para lang maging masaya yung mga tao.”

KAPAMILYA SOON? Recently ay napapanood si Sarah sa Sunday musical variety show ng ABS-CBN na ASAP XX at may guestings din siya sa iba pang mga programa ng network.

Sabi niya, “It’s been wonderful na may mga guestings ako sa ABS. It’s been good.

“And I’m enjoying my time. Especially performing [sa ASAP], nai-enjoy ko po talaga siya.”

Magiging Kapamilya na ba siya? May offer ba sa kanya?

Tanggi niya, “Sa ngayon, wala pa po. Pinagkaka-busy-han ko ngayon yung mga guestings at saka ASAP.

“So… yun! Iyon pa lang po.”

Meron bang mga negotiations para sa upcoming project tulad ng movie or a regular show?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“As of now wala pa po. But soon, hopefully I get to act again.”

PROUD TO BE A WORKING MOM. Masasabi ba na mas priority niya ngayon si Richard at ang baby nilang si Zion kesa sa kanyang career?

“I think it’s ano… I make it a point that I work and still have time for my baby and for Chard. Kumbaga, I believe in working mothers.

“Yung they still do what they love. They do what they’re passionate about.

“They work hard. But still they have time for their child.

“It gets hard sometimes. But I think it’s worth it,” pag-amin niya.

HAPPY WITH RICHARD'S SUPPORT. Pinag-uusapan ba nila ni Richard ang tungkol sa kanyang showbiz career? O ipinauubaya na lang nito sa kanya ang anumang desisyon tungkol sa mga gusto niyang gawin bilang artista?

“He’s supportive. He’s very supportive of me.

“I always ask his opinion pagdating sa mga proyektong ginagawa ko or gagawin. Because you know, he’s been in the industry longer than I am.

“So he has more experience and he knows more. I’m happy that he's very supportive,” pagpapasalamat pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN