Character actor Mike Magat apologizes on behalf of Iglesia Ni Cristo brethren for inconvenience caused by protest rallies

Character actor Mike Magat, a member of the Iglesia Ni Cristo, took to Facebook to apologize on behalf of his church for the inconvenience caused by the protest rallies which paralyzed EDSA last Friday night, August 28: “Sa mga kababayan ko po na naiistorbo, pasensya na po at sa may mga malawak na kaisipan, one plus one lang naman po ang gusto ng INC, hindi ba?”


Ang kanyang Facebook account ang ginamit ng character actor na si Mike Magat sa paghingi ng paumanhin sa mga kababayan natin na naiistorbo ng mga kilos-protesta ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC).

Isinisi sa kilos-protesta ng INC members ang matinding traffic situation sa Maynila kahapon, Agosto 28. Dahil ito sa pagtitipon nila sa harap ng Department of Justice (DOJ) at kagabi sa harap ng EDSA Shrine.

Nag-ugat ang kilos-protesta sa pagtutol ng mga miyembro ng INC sa imbestigasyong ginagawa ng DOJ sa ilang nakatataas na pinuno ng Iglesia na na-link sa alegasyon ng corruption ilang linggo na ang nakaraan.

Faithful at active member ng INC si Mike, na mapapanood sa filmbio na Felix Manalo kaya kabilang siya sa mga nagtatanggol sa aksyon ng kanyang mga kapatid sa pananampalataya.

MESSAGE. Heto ang mensahe ng aktor:

“Paalala lang po sa iba, kung wala magandang sasabihin tungkol sa INC, huwag na lang po magsalita.

“Ito po ay pananampalataya.

“Kaisa po ako sa pakikipaglaban sa pananampalataya at pakiusap ko nga po sa mga nag-uusig sa bayan ay ituon na lamang nila ang kanilang isip sa sarili nila at huwag nang makialam sa relihiyon at masasayang lang po ang panahon po nila.

“Sa mga kababayan ko po na naiistorbo, pasensya na po at sa may mga malawak na kaisipan, one plus one lang naman po ang gusto ng INC, hindi ba?

“Huwag po pakialaman ang relihiyon at unahin ang mga mas mahahalagang bagay sa problema ng bansa. Ngayon po, kung sa tingin ng iba na mali po ang ginagawa ng INC, hindi po namin kayo pipilitin eh hindi rin po matatapos ito kasi ang aming buhay at pananampalataya na i-alay na sa Ama. Pasensya na po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN