Ruffa Gutierrez more focused on career than BF Jordan Mouyal: “Hindi naman siya ang priority ko.”

Ruffa Gutierrez clarifies that she and boyfriend Jordan Mouyal are more focused on their respective careers: “I think our priority now is our careers and work. So, wala namang problema when it comes to that, kasi wala naman sa isip pa namin ang magpakasal o mag-asawa.”


Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ruffa Gutierrez tungkol sa epekto ng reality show ng kanilang pamilya na It Takes Gutz To Be A Gutierrez sa relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Jordan Mouyal.

Sagot ng actress-TV host, “A, well, I’m just very thankful na very cool siya. Hindi siya masyadong nagri-react sa mga nangyayari.

“So, iyon ang importante. Ang maganda siguro, kasi non-showbiz siya, kaya hindi niya pinapansin.

“I think it’s very helpful talaga na ano siya… non-showbiz.”

Kumusta sila ngayon?

“Okey naman. Steady lang naman kami.

“He’s going to Paris soon. Kasi marami siyang aasikasuhin dun.

“Paalis-alis siya outside the country every now and then. Pabalik-balik.

“Kaya may mga panahon na hindi kami nagkikita at walang time sa isa’t isa. And hindi naman siya yung priority, e.

“Hindi naman siya ang priority ko. Hindi rin naman ako ang priority niya.

“I think our priority now is our careers and work.

"So, wala namang problema when it comes to that, kasi wala naman sa isip pa namin ang magpakasal o mag-asawa...

“Or, you know, magkaanak ako or something weird na ganun.”



NO WEDDING PLANS YET. Isang taon na ang kanilang relasyon ni Jordan. Nakikita ba niya na husband material ito?

Mabilis na sagot ni Ruffa, “Ay, hindi ko pa iniisip ‘yon!

“Like I said, I’m so focused with my work right now, I have no plans of getting married in the near future.”

Ano ang best quality ni Jordan na hindi niya nakita sa mga nauna niyang nakarelasyon noon?

“Naku, ano ba ‘yan? Puro lovelife naman ang topic!” natawang reaksiyon ni Ruffa.

Kumusta naman ang pakikitungo ni Jordan sa mga anak ni Ruffa na sina Lorin at Venice?

“Very ano… relaxed.

"For me, ano... ayaw nga niyang maging part of the show kaya it’s better na huwag na lang siyang masyadong pag-usapan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



DAUGHTERS JOINING SHOWBIZ? Ang panganay na anak ni Ruffa na si Lorin ay 12 anyos, samantalang si Venice naman ay 10. Parehong hilig daw ng mga anak niya na mag-showbiz.

Pag-amin ni Ruffa, “Parang feeling ko nga, gusto nila talagang mag-artista.

"Pero para sa akin, mas importante pa rin ang pag-aaral nila.

“So, kailangan mag-aral muna sila.

"And if they have free time, puwede silang mag-on the side na pag-aartista."

At what age kaya ng mga bata pupuwedeng ibigay ni Ruffa ang kanyang blessing na mag-artista ang mga ito?

Mabilis niyang sagot, “After na i-prove nila sa akin na very concentrated and serious sila sa pag-aaral nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN